Chapter 13

452 34 64
                                        

Janica’s POV

Saturday evening.

Niyaya ko si Kysel na samahan akong magbar. Alam ko kasing kelangan niya din ng kausap ngayong matagal na silang hindi nagkikibuan ng kanyang kambal.

Nagmall lang kami kaninang umaga kaya hindi namin nasamahan si Xhieny pero ayos lang yun andun naman si Carlo eh.

Payo ko lang sakanya sana hindi siya maguluhan. May gusto naman siya kay Carlo eh, kaso parang hindi pa siya ready kaya hinahayaan lang namin siya.

*beep*

Tumunog yung cellphone ko may nagtext. Akala ko si Kysel si Darwin pala.

Darwin:

Girlpren.. hindi pa ba kayo tapos magmall ni Kysel? Gabi na ah. Nagdate na lang sana tayo :D

errrr!

Kanina pa siya nung nagmamall kami ni Kysel. Hindi ko na lang siya pinapansin.

Aaminin ko nahuhulog na ako sakanya aba! sinong hindi mahuhulog sakanya eh gagong gwapong magaling magpakilig ang hayop na yun.

Pero mahirap magtiwala. Madalas niya na ngang nakakasama si Rey eh. Hindi naman sa anu.. Flirt kasi si Rey mahirap pagkatiwalaan ang mga ganun pag sa ganitong bagay. Akala ko nagbago na din siya katulad ni Carlo pero hindi.

Nakakasalubong ko nga siya minsan may kasamang babae. Nakaakbay pa to. Nagiba na rin ang ihip ng hangin sakanya dati rati patawa siya, pero ngayon lagi siyang umiiwas. Hindi ko nga lang malaman kong bakit.

Anyway, tapos na akong magbihis at ready ng magbar.

Hindi kami dun sa bar ni Carlo, mahirap na baka andun yung mga boys tambayan kaya nila yun.

Tinawagan ko na rin si Kysel na sunduin niya na lang ako dito sa bahay yung sasakyan niya na kasi yung gagamitin namin.

"wow ahh.. ganda natin ha! maghahanap ka ba ng pamalit sa so-called boypren mo?" Kakarating lang ni Kysel pero kung makapagsalita akala mo walang problema nuh? Sige na nga pagbigyan na natin.

"maghahanap ako ng totoong boyfriend Kysel! tara na nga.."

First time namin pumunta dito sa bar na to medyo may kalayuan nga lang sa bar nila Carlo.

Nagenvite kasi si Joy yung kaklase namin dati, eh hindi kami nakarating kaya ngayon lang ang dating namin hahaha ang gulo.

Salvador Bar??

yan ang name nung Bar.

hindi kaya kila Rey rito? Kasi diba may Bar din si Carlo malay natin kay Rey eto. pero hindi naman NICOLAS BAR yung name nung bar nila Carlo eh, baka malabo hahahaha.

Ang daming tao sobra! Mas malaki pa pala to sa bar ni Carlo tatlong beses ang laki.

May mga artista din WOW LANG !!

Nauna ng umupo si Kysel sa bakanteng upuan at ngorder ng Tequila. Hindi rin siya uhaw nuh?

Madamayan nga.

"problema natin?"

Pangalawang baso na yung naiinom niya at hindi pa rin niya ako sinasagot.

"hoy wag kang maglalasing ha! Alalahanin mo wala kang Bf na bububat sayo pauwi hahahha unlike si Krish may Jon."

Tumingin siya sa akin. Oppzzz! Mali ata yung nasabi ko.. Tae! Maling mali talaga.

Pumunta kami dito para maibsan ang problema niya pero ako ata tong sira ulong gusto ng problema. Haaay Buhay nga naman. Madaming gustong pumunta sa langit pero wala namang gustong mauna. Ano connect nun? :D

K.A.R.M.A. ♠  ♣  ♦  ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon