Rey’s POV
Ilang araw na bang hindi ko siya nakikita?
Aish! Siya yun eh. Kilala ko ang boses niya. Oo siya yun talaga hindi ako nagkakamali.
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang sakit ng ulo ko kakaisip.
"Problema Hon?"
"Wala, sige aalis na ako."
"Wait! Saan ka pupunta.. Hon naman wag mo akong iwan dito! HON!" Sigaw niya. Tss.
Isa siya sa mga babaeng pinaglalaruan ko.
Lumabas ako sa bar ko. Tinawagan ko si Janica. Kelangan ko siyang makausap, kelangan kong sabihin yung nangyari nung gabing narinig ko ang boses niya.
Nasisiraan na ako ng ulo sakanya. Bakit ba ako nagkakaganito sakanya? Madami namang babae diyan. Bakit si Xhieny pa? Bakit ang taong mahal pa ng kaibigan ko?
[Hello Rey?]
"Jah, I need to talk to you very important."
[Ha? eh.. T-tungkol saan?]
"Basta. Let's talk about at your home, I'm on my way."
[ha? Wait..]
*tooot tooot tooot*
Mabilis akong nagdrive patungo sakanila. Hindi kasi ako mapakali. Si Janica parang nakakapanibago mga sagot niya sa phone.
Anyway I'm here. Pinapasok na ako ng yaya niya. Nagpunta na rin kasi kami dito ni Darwin. Ako kasi madalas kasama nun kaya yun.
"Sir, pakihintay na lang po si Senorita Janica dito sa sala. Maupo na muna kayo kukuhanan ko kayo ng maiinum." Sabi nung maid nila. Tumango lang ako at kinindatan siya. Aw, ang lakas ng appeal ko talaga. Bakit kaya puro mga bata ang kasambahay nila dito? Anyway hindi yun ang sadya ko dito.
Ang tagal naman nun.
Naglakad ako papuntang swimming pool nila. Gusto ko ang swimming pool nila dito malaki. Mas malaki pa kesa sa pool namin sa bahay. Gabi na kaya masarap mag night swimming. Ahehehe.
Nung makalapit na ako may naaninag ako mula sa dulo. Nakababad ang mga paa niya sa tubig.
Loko yung maid na yun. Sabi niya nasa itaas si Janica eh andito lang pala.
Nag-eemote ata hahaha.
Naglakad ako patungo sakanya. Magsasalita sa sana ako nung magsalita siya.
"Ayos lang ako dito Jah. Mayamaya uuwi na rin ako."
Nagulat ako.
Si Xhieny! Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkakamali boses niya talaga yung narinig ko nung gabi na yun.
Lumapit ako sakanya. Isang case ng alak ang nakita ko pero dalawang bote palang ang nababawasan pangatlo lang yung hawak niya. Naalala ko, ang laki pala ng problema niya.
"Andito ka pala Xhieny."
Tumingin siya sa likuran niya kung saan niya ako makikita. Napatayo siya sa gulat nung makita niya ako.
"R-Rey?"
"Kamusta ka na?" Tumabi ako sakanya sa pagkakatayo.
"A-ayos lang!"
"Talaga? Bat parang nauutal ka?" Napangiti ako sa sinabi ko sakanya pero hindi ako nakatingin sakanya.
"Happy 18th birthday nga pala" Pag-iiba ko ng topic. Gabi na kaya malamig. Gusto ko sana siyang yakapin kaso hindi ko magawa.