December 16th
Pauwi na ako katatapos lang ng klase. Wala namang magandang nangyari kaya wala ng dapat ikwento.
Isang araw na ang lumipas at hindi pa rin ako pinapansin ni Carlo.
Mabuti pa si Rey, lagi niya akong pinapatawa.
Samantalang yung isa diyan, halatang nag-eenjoy kasama yung Felca na yun. Ayoko talaga sakanya.
Bukas ay last day na ng school at bukas ay birthday ko na.
Sana naman magkaayos na kami hindi ako sanay na wala siya.
Pagpasok ko ng bahay, bumulaga sa akin si Mommy at si Ayen.
Si Mommy na mukhang disappointed.
Si Ayen na ... ganun pa rin ang mukha, chaka pa rin!
"Mom, akyat na ako pagod po kasi ako" Pinigilan ako ni Mommy papaakyat sa room ko. Ang higpit ng pagkakawak niya. I felt anxiety.
"Let's talk here."
Seryuso ang mukha ni Mommy, at mukhang galit siya. May nagawa ba akong mali? Bakit ba sa tuwing nagkakamali ako yun na lang parati ang pinupuna nila. Paano naman yung ginagawa kong tama? Patapon na lang?!
"Mom bakit po?"
"Tumawag sa akin ang Major Prof mo at ang sabi, bagsak mo ang subject niya. Ano ba Xhien?! Wag mo namang atupagin parati yang panlalandi mo sa mga lalaki, Nalaman ko rin na pati boyfriend ng kaptid mo nilalandi mo, Bakit ka ba ganyan? Hindi naman kita pinalaki ng ganyan ha? Bakit hindi ka tumulad sa kapatid mo?! "
Alam niyo yung pinakamasakit na feeling? Yun yung ikumpara ka ng magulang mo.
"Mom, wala akong nilalandi! At ang tungkol sa nabagsak kong subject..hindi naman ako ang may gusto niyan eh. Kayo naman ang pumili ng course ko."
Umiiyak na ako, hawak hawak ko yung dibdib ko, bigla kasing sumakit tapos nahihirapan akong huminga.
"anong walang nilalandi?! Nilalandi mo si Carlo! Ahas ka!" gitgit ni Ayen.
"Mom... maniwala ka sa akin." Pagmamakaawa ko sakanya. Feeling ko mahihimatay na ako sa sakit ng nararamdaman ko. Nasasaktan na nga ako sa hindi pagpapansin sa akin ni Carlo tapos heto pa.
"Bakit kasi hindi ka magbago? Ayusin mo ang buhay mo!"
Naiinis ako! Naiinis ako sa mga magulang ko.
"huh.. paano mo nga naman malalaman ang lahat at paano mo naman malalaman na nagbago na ako, kung sarili mong anak hindi mo mabantayan. Paano mo nga makikita yung mga bagay na nagbago sa sarili ko, If all you know is all about Ayen! Puro ka na lang Ayen. Akala mo ang sarap pakinggan ang ganung pangalan? Nakukusaka! Ikaw Mommy, nagbago ba ang tingin mo sa akin? May pinagbago ba simula ng dumating yang Ayen na yan sa pamilyang to?"
"wag mo akong sagutin ng ganyan, dahil wala kang alam at hindi mo maiintindihan."
"kung may malasakit ka, ipaintindi mo! "
Napaiyak na rin si Mommy.
"ugh!..alam ko na, takot ka kasi baka iwanan ka ulit ni Daddy, takot na baka mawala si Ayen at iwan ka ulit ni Daddy, takot ka kasi AYAW MONG MASAKTAN..pero masaya ka... na AKO NAMAN ANG NAHIHIRAPAN!"
*SLAPPPPP*
Ouch :'( Did my Mom slap me for the first time?
"Umalis ka na lang kasi Xhieny! Nagiging bastos ka na! Pati si Mommy sinasaktan mo, ako na lang! Wag ang Mommy!" Yakap yakap niya si Mommy.