Chapter 21.2

122 15 0
                                    

Carlo’s POV

Naglalakad na siya papunta sa akin. Nakikita ko yung itim na awra niya.

Aw! Hindi niya ba naapreciate to?

Sana naman maapreciate niya ang simpleng bagay na to. Dahil my mga bagay na katulad nito na hindi ko pa nagagawa dati pero nagagawa ko na ngayon dahil sakanya.

Ano ba tong ginagawa ko?

Ano nga ba?

Well, pinagkagastusan ko lang naman ang lahat.

Una, for this stage kasali na mga staff, announcer , security and others.

Pangalawa, yung premyo? Ano ba yun? Dalawang Samsung galaxy S4 lang naman and 20 thousand cash.

at Pangatlo?

Si Janica.

One ticket, trip to Moscow. Balak sundan ata si Darwin. Ayos din yung babaeng yun. Hindi uso Welcome sakanya kelangan may kapalit. Hahaha, pero ayos lang yun.

Siya lang naman kasi ang sumunod kay Xhieny para sure na makakapunta siya dito sa Mall.

Ewan ko ba dun sa babaeng yun wala palang cellphone tapos papremyo ko mamahaling cellphone. Kuripot talaga nung babaeng yun. Hindi niya ba alam kung gaano kaimportante na ang cellphone sa mga tao ngayon.

Anyway let's proceed to my Moves of getting her heart.

Ako si Carlo Nicolas sablay man sa kasweetan pero hanep naman sa panliligaw. Yay! Ang corny ko na!

Bago man siya makarating dito sa stage kasi for sure. Sapak ang abot ko dun eh uunahan ko na siya.

Naalala ko kasi sobra siyang kinikilig pag may nakikita siyang scene na kinakantahan yung boy yung girl. Remember niyo sina Darwin at Janica? Aba eh! Halos masira na yung bagpack ko sa kakahila niya. -_____-

"Ahm! Guy's! This is my first time to sing in public. And this is my first time to sing a girl who really special to me. This girl who make my heart and life complete. This girl, I am afraid to loose her."

Napatigil siya sa paglalakad nung nagsalita na ako. Medyo malapit na siya.

Special talent ko ang pagkanta. Kaya naman sinabi ko pa noon sa sarili ko na kung sino man yung taong magpapasaya at magkokompleto parati ang araw ko ay mismong kakantahan ko ng harapharapan at harapharapan sa mga tao.

At ito na yung araw na to.

K.A.R.M.A. ♠  ♣  ♦  ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon