Nathan's POV
After class, dumiretso kami nina Reign sa ospital kasama tropa niya. Pinakilala niya sila saken lahat. Kaso mukhang di ko feel yung Kevin ba yun? Ang sama ng tingin saken. Gusto ata ako patayin nun sa tingin e. Tch.
After 20 minutes nakarating na kami sa ospital.
2nd floor lang naman si Tita. (A/n: she is referring to Reign's mother. 'Tita' tawag niya dun) kaya mabilis lang kaming nakapunta. Then nang makarating na kami, we saw Tita lying there sa folding bed na color white.
"Hello po. Magandang hapon" bati naming lahat kay tita, ngumiti lang siya. Pero I know, it's a faint one. Si Reign naman ay dumiretso sa tabi ni Tita. Nandito lang ako nakaupo sa couch kasama sila.
"Is that him? Si Nathan?" I heard tita said. So namukhaan niya pala agad ako.
Nakita kong tumango lang si Reign.
"Nathan halika!" sigaw saken ni Tita.
"Hi po Tita. Long time, no see" sabi ko at ngumiti.
"It's good to see you here. Kelan ka pa dito?" tanong ni tita.
"A few weeks ago lang po" sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot.
Bumalik naman ako sa couch at lumapit sina Bianca and the others kay Tita. Kami na lang nina Kevin at Tyrone ang nakaupo. Looking Reign from a far, she's still the same. The same Reign that I know this past few years. Even though, di kami nagkita for like 2 years. Lumipat kasi ako ng school. Sa ibang bansa. Uso paglipat sa ibang bansa no? Pansin niyo? Yun din nangyari kay Eunice eh. Haha. Tulad ngayon, ganun pa din feelings ko for her. Constant na ata to. Tch.
"You like her do you?" tanong saken ni Kevin. Ano ba isasagot ko?
"Uh. Kinda?" sagot ko.
"Then that's a yes" sabi niya at tumingin kay Reign.
"Eh ikaw?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Nag-iba aura niya. Yun bang, nawalan siya ng gana.
"Yes. A lot." Sagot niya at lumabas ng room. San pupunta yun?
Oh. Seems like may karibal ako. Luh joke.
"Nathan, samahan mo naman ako. Bili tayo foods" sabi ni Reign saken. Pumayag naman ako at dumiretso kami sa food store netong ospital.
Nang makarating kami sa food store, nagsimula na kaming mamili ng pagkain.
"Hmm. Nathan, chips or cookies? Ano mas masarap?" biglang tanong ni Reign.
"Chips" sabi ko at pumunta sa mga pwesto ng drinks. Kumuha ako ng mineral water for 8 persons including Tita. Kumuha din ako ng ice cream para kay Reign tapos mojos. ^__^
Then after that, dumiretso na kami sa counter. After some few minutes, lumabas na din kami tapos bumalik na sa room ni Tita. Habang nasa hallway kami ng ospital, I saw Kevin na nakaupo sa waiting chairs. He seems frustrated. Dahil kaya yun sa kanina?
"Uh. Reign, eto oh para sayo. Alam kong favorite mo yan" sabi ko kay Reign sabay abot ng binili ko for her. Ngumiti lang sya saken in return.
"Ito mas favorite niya. Reign oh" narinig kong sabi ni Kevin tapos inabot niya kay Reign yung 2 slices ng pizza. Ang bilis naman niya makalapit.
Pero ilang minute na ang nakakalipas, hindi pa rin tinatanggap ni Reign yung pizza. Nakatitig lang sya kay Kevin.
"Uh.. Sayo na lang yan Kevin. Hehe sige" sabi niya at hinila na ako papunta sa hagdanan. Nandun lang si Kevin nakatayo. Mukhang nagulat sya sa ginawa ni Reign. Why is Reign acting like this? Galit ba sya kay Kevin?
Nanatili na lang akong tahimik. Ayoko namang magtanong about dun sa nangyari kanina, baka madismaya ko pa si Reign. Ayoko naman nun.
Nang makarating na kami sa room ni Tita, nagsimula na kami mag-foodtrip. Si Kevin? Hindi na siya bumalik after what happened a while ago. I feel sorry for him. Kung ako nasa sitwasyon niya kanina, I will feel bad too sa ginawa ni Reign.
So I guess, she's really the same. Wala siyang pake sa nararamdaman ng isang tao whether nasabihan niya yun ng masama or good. In short, hindi niya pinag-iisipan yung mga sinasabi niya sa isang tao. Hay Reign.. why like that? Naaano tuloy ako sayo.
BINABASA MO ANG
I love you, goodbye.
Teen FictionWhat if dumating yung taong ipaparamdam sayo ang tunay na pag-ibig? Papakawalan mo pa ba siya? What if he suffer his life just for you? Would you feel guilty? Can you live without him? Hmmm.