Chapter 46: Realization

8 1 0
                                    

A/n: Kasama to sa nangyari nung nasa rooftop sina Reign. Hindi ko lang naisama kasi wala akong maisip kung pano isisingit tong scene na to. Kung naguguluhan kayo, tanungin niyo lang ako! Okay, yun lang.

Nathan's POV

After ko kunin kay Zia yung notebook ko sa History, bubuksan ko na sana yung pinto nang marinig kong may nagsisigawan sa rooftop. And I know, it's Kevin and Reign. Tinext ko si Reign na hindi na ako makakapunta kasi may gagawin ako. Pero that's a lie. Ayoko lang masira moment nila.


Naririnig ko lahat ng sigawan nila. Ang tsismoso ko talaga. Ano bang magagawa ko? Eh interesado ako e.


Mahal pala talaga ni Kevin si Reign. Though, matagal ko ng nahahalata. The way he looks at Reign, may gusto siyang sabihin sa mga tingin niya. I can sense it. Madali akong makabasa ng iniisip ng isang tao e. Nang maramdaman kong may magbubukas ng pinto ng rooftop, agad akong nagtago sa isang halaman dun na mataas. Si Kevin pala. Basang basa siya ng ulan. Umuulan pala? Baka naulanan na si Reign. Puntahan ko ba? Wag na. Haays.


Sinilip ko si Reign, nandun pa din siya sa rooftop. Nakaupo sa sahig. Kahit umuulan, alam kong umiiyak siya. Alam ko, nasasaktan din siya sa mga nangyayari. Siguro, di niya expect na mangyayari to. Nasasaktan din ako para sa kanya. Pag Masaya siya, mas masaya ako. Pag malungkot siya, mas malungkot ako.


P-pero bakit may mali? Oo, gusto ko si Reign. Dapat pinupuntahan ko siya ngayon. Dapat pinapagaan ko ang loob niya tuwing down siya. Pero bakit di ko magawa? Siguro dahil.. hindi ko talaga sya gusto. Siguro, masyado lang akong natuwa nung magkita ulit kami kaya nasabi ko sa sarili ko na may gusto pa din ako sa kanya. Mabait ako. Maalaga. Kaya sana, hindi niya nagawan ng malisya yung mga ginagawa ko for her. May care lang talaga ako. I just want to help her, it's not because naaawa ako sa kanya or may pagtingin pa din ako, but I just want to help. Yun lang.


Inabangan kong lumabas si Reign. I've waited for her for like 1 hour? It means, 1 hour din siya nagpaulan dun. Baliw talaga ng babaeng yun! Ako nag-aaalala sa kanya e.

Pababa na siya ng hagdan nang tawagin ko siya.


"REIGN!" tawag ko. Nag-echo yung boses ko kaya madali niya kong narinig.


Lumingon lang siya saken tapos nagtitigan kami nang ilang segundo. 1, 2, 3, 4, 5 seconds..


Dali dali siyang tumakbo papalapit saken tapos niyakap niya ako. Okay. Basa na ako.


Umiiyak pa din siya. Pulang pula na yung mata niya. Naiiyak ako sa sitwasyon niya.


"R-reign, b-bakit ka.. umiiyak?" kunwari wala akong alam.

"Naguguluhan ako Nathan *sniff* naiinis ako sa sarili ko *sniff* a-ayoko n-na" pautal-utal niyang sabi.


Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito. The last time I saw her cry is when namatay dad at kapatid niya.


"Don't worry Reign. Everything happen's for a reason. Wag ka na umiyak" sabi ko na lang.

"Nathan, can I say something to you?" tanong niya at tinanggal ang pagkakayakap saken. Nakatitig lang siya saken.


Tumango lang ako.


"Salamat. For always being there. Ang dami mo ng natulong saken. Paano ba kita mapapasalamatan?" she asked.


Umiling ako.


"No Reign, it's okay. Basta, whenever you're sad, nandito lang ako" sabi ko at ngumiti ng pilit.


After I said that, ngumiti siya at naglakad na ulit palayo.


Sorry Reign. Akala ko totoo na yung nararamdaman ko para sayo, pero hindi pala. Naka-move on na pala ako sayo. What if hindi ko napakinggan yung pagtatalo nila kanina? Mar'realize ko kaya na hindi ko siya gusto? Pft. Impossible. But still, I'm thankful at natauhan na din ako!

I love you, goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon