Chapter 25: Reign is in danger

91 3 4
                                    

Reign’s POV

Kung matatanong nyo kung asan nanay ko, actually nakauwi na sya dito sa Pinas, matagal na. Inuwi nya lang mga pasalubong nya saken tas dumiretso na ulit sa airport. Pupunta naman daw sila sa Hongkong =_____= mag gala sila. Peste.

Ano ba ngayon? August na pala? May 3 days kaming walang pasok kase may inaayos sa school. Ewan kung ano.

Naglalakad ako ngayon sa kalsada, nang may biglang tumigil na itim na van sa gilid ko.

“Ikaw ba si Reign Smith?” tanong nung isang babae.

“Ako nga. Bakit?” sabi ko

“Sumama ka samen. Ngayon na.” –sabi pa nung isang babae. Mga GRO ata tong mga to. Makapag-damit akala mo ang init-init.

“At bakit naman? Who the fuck are you?” sabi ko

“Wala kang pakialam. Sakay na!” –sabi pa nung isa tas hinila ako papasok ng van.

Leche tong mga to. Sinampal ko sa mukha yung nanghila saken. Ngayon nakasakay na ko sa van =___= ay pota. Kung isa na naman to sa mga kalokohan ni Kevin, aba’y sinusumpa ko na talaga sya!!!!!!!

“San nyo ba ko dadalhin?” I asked

“Sa impyerno.” –sabi nung isa. Nagtawanan naman silang lahat.

“Oh? Eh parang ngang nasa impyerno na ko e. Mga mukhang demonyo kasi kayong tatlo.” I don’t care kung mainis sila.

Then may kinuhang something yung babaeng katabi ko tas nilagay sa ilong ko. Ewan ko pero, nakakaantok na…

Kevin’s POV

*Tok tok tok*

“Vin!!!!!!!!” sino ba yun ang ingay =.=

Time check: 11:35 am

Binuksan ko yung pinto ng condo ko.

“WHAT?!” halos lahat sila nandito.

“Gago! Si Reign nakidnap!” pasigaw na sabi ni Tyrone

Nags’sink in pa sa utak ko yung sinabi nya. Nakidnap. Si Reign? =_____= OO NA LANG. Kid pa ba yun?

“Talaga?” I asked with hesitation

“Oo nga! Sinabi saken ni Bianca! Nagpapatulong na nga sila sa mga pulis e!” –Ross

Dali dali akong nag-ayos tas sumama na kung san sila pupunta. Kahit naman lagi akong sinusungitan at inaaway nun. Mahalaga pa din sya saken. Kase kaaway ko sya. Joke.

“Hoy! San tayo?” tanong ko

“Basta kahit saan! Sa tapat ng bahay nina Reign. Andun yung mga pulis ngayon” -Ross

Si Tyrone yung nagd’drive. Makapagdrive naman to parang may humahabol samen na pulis =____=

After 5 minutes.

“Oh nandito na tayo mga pards.” –Tyrone

“Daming tao ah. Este mga tsismosa pala.” –Rayvan

“HAHA kaya nga e. Tara baba na tayo.” –Kyle

Nakita kong umiiyak si Bianca. Tas yung mga mukha naman nina Xheira, nag-aalala.

“Where’s Reign’s parents?” tanong ko kay Bianca

“Wala. Yung mama nya nasa Hongkong ngayon e. Di ko naman macontact yung number nun.” –Bianca

Nakita kong umalis na yung mga pulis. Sisimulan na ata nila maghanap. Maghahanap na nga lang din ako. Bahala na kung san ako gusto dalhin ng mga paa ko.

“Hoy Kevin! San ka pupunta?!” –Ross

“Hahanapin ko si Reign!” sabi ko

“Sama kami ni Cyril sayo! Di mo kayang mag-isa. Baliw ka ba?!” –Ross

“Kaya ko! Ge alis na ko!” sabi ko tas tumakbo na palayo.

Tiningnan ko yung cellphone ko.

2 messages received.

Yung isa galing kay Ross. Tas yung isa galing kay Tracy. Buburahin ko na sana kaso bigla kong napindot yung “open”

From: Gf #2 (Tracy)

Kamusta na kayo dyan Honey? Nag-aalala na kayo kay Reign no? Don’t worry okay lang sya.

T*ngina. Si Tracy ata may pasimuno neto.

Time check: 2:37 pm

Tinawagan ko si Tracy.

(Hello honey)

“Hoy Tracy! San mo ba dinala si Reign?! Pakawalan mo na sya!!!!!!!”

(Pwede ba wag kang sumigaw?! Leche ka. Andito kami ngayon sa lumang basement malapit sa school. Ala---)

*Toot toot*

Pinatay ko na. Dali-dali akong tumakbo papunta dun. Ewan ko, pero parang ako may kasalanan ng lahat ng to.

Nasabi ko kasi sakanila na si Reign yung umaaway saken, kaya siguro gusto nila akong iganti kay Reign.

After 15 minutes..

“Hoy buksan nyo to!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko

*Plok*

“Oh babe. You’re here!” –Gf #1

“Umalis ka sa harap ko!” sabi ko tas tinulak ko sya. Natumba sya .

Nakita ko si Reign naka-blindfold, nakatali yung kamay at paa nya sa upuan tas may takip yung bibig nya. Mga walanghiya talaga tong mga to.

Ang dami kong nakikitang babae. Yung tatlo mga toy gf ko. Tas yung tatlo pa, di ko na kilala. Basta classmate namen.

“Look who’s here? Si Kevin Ferrer. Talagang ikaw pa ang pumunta dito ha?” sabi ni di ko kilala.

“Pakawalan nyo na si Reign! Ano ba kelangan nyo sa kanya?” tanong ko

“Wala. Wala kaming kelangan sa kanya Sweety. Gusto ka lang namin iganti. Di ba inaaway ka nya? Binigyan lang namin sya ng leksyon! Tas ikaw pa nagagalit ngayon?!” –Gf #1

“May sinabi ba akong iganti nyo ko sa kanya? Wala naman di ba? Mga tanga din kayo e no.” sabi ko

“Hindi ka nlang magpasalamat!!!!!!” sabi ni Tracy

Habang busy sila mag-usap. Tinext ko si Bianca kung asan yung hideout.

After 10 minutes.

Naririnig ko na yung ingay sa labas. Nakita ko namang nagpanic tong mga to. Napa-smirk nlang ako.

Nahuli din sila. Ewan ko kung anong gagawin sa mga yun. =___= bahala na yung mga pulis.

I love you, goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon