Reign’s POV
“Okay klase, magkakaroon tayo ng activity ngayong araw. Ang tawag ay ‘Kilalanin ang kahinaan ng isa’t-isa’” Sabi nung teacher sa harap. Kaya ayoko umattend ng Filipino e, lagi na lang may ganto. Bwisit.
“Tatawag ako ng ilan para ibahagi ang kahinaan nila.” Pagpapatuloy niya.
Nakatulala lang ako habang iniisip kung ano ang kahinaan ko. Ano nga ba? Mukhang wala naman. Pero imposible naman yon.
“Smith” sabi nung teacher.
What?!!!! Ako unang-una? Kainis naman!
Tumayo na ko at umupo dun sa upuan sa harap at nagsimulang magsalita..
Lahat sila nakatingin saken -___- ugh. I hate this kind of atmosphere!
“Uh. Una sa lahat, di ko talaga ugali na mag-open about myself. Pero, just once.. I will. Kahinaan ko talaga ay yung pag iniiwan ako ng mga taong mahal ko sa buhay…” sabi ko.
“Hugot!!!!” narinig kong sabi ni Tyrone. I gave him a glare. Patay yan saken mamaya. Nakita ko namang binatukan sya ni Xheira. Yea, their seatmates too.
“Sige, ituloy mo.” Sabi naman ni Sir Hanson.
“Ilang beses ko na kasi naranasan mapag-iwanan. And I’m tired of it. Kaya simula noon, hirap na ko magtiwala sa mga tao. Alam ko naman kasing iiwanan lang din nila ako. A-ang s-sakit na kasi. Paulit-ulit na lang.” after I say that, napatakbo ako palabas ng room. I don’t know where I’m going, naramdaman ko na lang na unti-unti nang pumapatak yung mga luha ko.
Ugh. Stupid tears!!
“Reign!” napatigil ako nang may tumawag saken sa likod. Nang sinubukan ko tingnan kung sino yun. Si Kevin pala.
Tinitigan ko lang siya. Nilapitan niya ako.
“Oh.” Sabi niya sabay abot ng panyo niya.
“Why would I accept that? Mamaya may germs yan.” Sabi ko
“Umiiyak ka na nga, nagagawa mo pa din magsungit.” Sabi nya with his pokerface on. I found him cute. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Kinuha ko yung panyo sabay punas sa luha ko.
“Tara sa canteen. Treat ko.”
Ngumiti lang ako sabay sunod sa kanya.
Nilibre nya ko ng pizza, macaroons tsaka coke. Not bad. May pakinabang din naman pala to.
“Uhm. About dun sa letter na binigay mo.. Do you mean it all? Lahat ng nakasulat dun?” I asked.
“Hindi naman. Yung iba lang.” sabi niya at lumingon sa ibang direksyon.
“What was that for? Bakit mo ko binigyan nun?” ang alam ko talaga hindi ako pala-tanong e. What now?! Tsk.
“Wala lang. Kung ayaw mo yung letter, sige tapon mo na lang.” sabi nya sabay ngiti. Faint one.
“That’s not what you think. Nakakagulat lang na ang isang tulad mo ay gumagawa pala ng letter. Love letter rather. Pfft.”
Tumawa lang siya.
“Hindi ba awkward sayo yung ganito? Yung tayo lang dalawa?” –Kevin
“Why will it be awkward?” I asked with hesitation.
“Alam mo namang may gusto ako sayo.” Sabi niya habang nilalaro yung spaghetti niya.
“Ah yun, alam ko namang hindi totoo yun. Hey, stop playing your food. Sayang.” I said
“Hindi ka naniniwala?” tanong nya while staring at me.
“Yea. Did I disappoint you?”
“Hindi naman. Sige, alis na ko.” sabi nya at lumabas na ng canteen.
Anong problema nun? May nasabi na naman ba ako? Peste naman!
After ko kumain, dumiretso na ko sa next class. I just sleep and sleep and sleep. Gusto ko na umuwi!! Weekends is approaching. Buti naman.
BINABASA MO ANG
I love you, goodbye.
Teen FictionWhat if dumating yung taong ipaparamdam sayo ang tunay na pag-ibig? Papakawalan mo pa ba siya? What if he suffer his life just for you? Would you feel guilty? Can you live without him? Hmmm.