Chapter 41: WHAT A LIFE I HAVE

25 1 0
                                    

Reign’s POV

 

 Ang bilis ng panahon. November na. Hindi ko na nakikita si Cyril sa school. Siguro lumipat na siya ng school. Yung samahan namin nina Tyrone, okay naman. Naggagala pa din kami tuwing weekends. Ngayon, papunta kami ni mama sa sementeryo. Dadalawin namin sina Papa.

Tumigil kami sa puntod nila, at nilagay ko na yung bulaklak. Si mama naman, nagsindi ng kandila at tinayo yun sa puntod ni Papa at Kian.

Makita ko lang puntod nila, naiiyak ako. Naaalala ko yung mga nangyari. Kung pano sila namatay. At kung sino pumatay sa kanila. Ang sabi kasi, hindi lang nabangga yung kotse. May bumangga talaga sa kanila tapos.. nung malaman nila na buhay pa si Papa, binaril nila at ayun, dun na namatay si Papa. Si Kian masyado pang bata nun kaya namatay agad sya sa lakas ng impact ng pagkakabangga.

Ang daming epekto nung mawala sina Papa sa buhay ko. Ang daming nag-iba, nagbago, tsaka ang dami kong narealize. Na lahat ng mahal ko sa buhay, iniiwan ako or ipinagpapalit. 4 na tao na ang nang-iwan saken. Tss. What a life I have.

“Alam mo Reign, pangarap ng papa mo na.. Na siya ang umakyat sa stage pag gumraduate ka na. Kaya lang, dahil sa nangyari sa kanila noon, hindi na yun mangyayari” sabi ni mama.

Why is she saying things like this? My tears begin to fall.

 

“Kaya anak, galingan mo ha? Kung magiging valedictorian ka man.. Alam mo na siguro kung kanino mo id’dedicate yung speech mo” yea I know. I’ll dedicate it to dad.

Kung hindi nyo kasi alam.. Daddy’s girl ako. Mas close kami ni Papa. Mas madami kaming bonding nung bata pa ako.

Rain started to fall. Buti na lang at may roof yung puntod nina Papa. Dun kami sumilong ni mama.

“Reign” –mama

“Oh?”

 

“Masaya ka ba? Masaya ka ba sa nangyayari sa buhay mo?” tanong ni mama.

Masaya nga ba ako sa buhay ko? Syempre hindi. Ang malas ko kaya.

“Hindi” sagot ko.

“Ayos lang yan. Lahat ng nangyayari sa buhay mo, may dahilan. Hindi mo man marealize ngayon, malay mo bukas o sa susunod na araw, malaman mo” sabi ni mama at pinat ako sa balikat. Hindi ko pa din mapigil yung luha ko. Why is she saying those words? Mamamatay na ba siya?!

“Why are you saying those things to me? May hindi ba ako alam?” frustrated kong tanong.

“Just so you know, may marealize ka. Reign, give importance to those who love you and your loved ones. Baka mamaya, you lose the moon while counting the stars” –mama

Bakit ba ganito sya makapag-advice? Yung totoo?!!!!

“Sabihin mo nga. Mamamatay ka na ba?” nagulat yung mukha niya.

“No. Malakas ata ako!” sabi ni mama. Then she fake a smile. Something is wrong here! May tinatago siya.

 

“Ma, ano nga? May sakit ka? Anong sakit?” tanong ko.

“Well. *sigh* Nagpunta ako sa doctor a few days ago, at nalaman kong may kidney cancer ako. Stage 2 pa lang naman”

 

“Anong lang? Nil’alang mo yung stage 2? Ma naman! Why didn’t you said to me?!” hikbi na ako ng hikbi dito.

“Sorry nak. Alam ko kasing stress ka na masyado. Tsaka ayokong pag-alalahanin ka” sabi niya at nakita ko siyang umiiyak na.

“Kahit na! You matter to me the most! Kahit ganun kita tratuhin minsan, marunong ako mag-care sa isang tao!” sabi ko at napa-face palm na lang.

Bakit hindi ko man lang nahalata na may sakit si mama? Is it because masyado akong busy sa buhay ko? Masyado na ba akong naging makasarili? Kaya pala, minsan wala si mama sa bahay. Baka pumupunta sya sa ospital.

At isa pa, magaling siyang magtago ng nararamdaman. Namana ko ata yan sa kanya. Ganun din kasi ako.

Stage 2.. Pag naging stage 4, wala ng pag-asa. She should stay in the hospital.

Niyaya ko na umuwi si mama nung tumila na yung ulan. Bukas na bukas, ipapa’confine ko na sya sa ospital.

A/n: Naiiyak ako habang sinusulat ko tong chapter na to! Idagdag pa yung paulit-ulit na pag’play nung ‘Don’t Go’ ng Exo. Haaay. Share lang! Okay wait for the next update! ;)

I love you, goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon