Reign's POV
Tinotoo ni Kevin yung mga sinabi niya saken nung nandun kami sa rooftop. Madalang na lang siya pumasok. Sina Bianca, nagtataka kung bakit daw ganun na siya kumilos. Siguro alam nina Tyrone yung dahilan, ayaw lang nila sabihin kayna Biancs kasi gusto nila ako ang magsabi. Si Nathan, absent din ngayon. Baka busy yun kasi sya na yung susunod na magh'handle ng business ng Papa niya.
Nandito ako ngayon sa garden. Dito nangyari yung time na nagtanong sina Ross at Kevin kung pwede maki-upo tapos di ako pumayag but umupo pa din sila in the end. Nasigawan ko pa nga sila nun e. Naaalala niyo pa guys? Teka, ba't ba ako nagt'throwback? Siguro namiss ko lang talaga yung mga panahong yun.
"Hey hey hey! Nag-eemo ka dyan ah." Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Si Bianca lang pala kasama si Xheira. Umupo sila sa tabi ko.
Nagbabasa lang ako ng libro nang biglang magtanong si Biancs.
"You know what Reign.. Kevin changed so fast. Hindi naman siya ganun this past few weeks right Xheira?" –Bianca
"Yeah at alam namin, may kinalaman ka kung bakit siya nagkaganun" Xheira said at si Bianca naman ay tumango tango.
Nagbuntong-hininga muna ako at nagsimulang magkwento. Kinwento ko sa kanila lahat. Yung nangyari sa ospital pati na din dun sa rooftop.
"Alam mo Reign, ang tanga mo. Ang tanga tanga mo. You know why? Sinayang mo si Kevin. Tumino siya dahil SAYO. Tapos, nagbago din sya dahil SAYO. How ironic" sabi ni Xheira in sarcastic tone.
"Sino ba mas matimbang diyan sa puso mo? Ano ba nararamdaman mo pag nandyan si Nathan?" Bianca asked.
Ano nga ba? Hmm.
"Well. Masaya siya kausap at kasama. Uh.. uh.. uhm.. there are times na nagseselos ako pag may kausap siyang babae. Lalo na si.. s-si Zia" sabi ko.
"How about Kevin?" at ngayon, si Xheira na ang nagtanong.
"Uhm. Lagi kaming nag-aaway. I mean, minsan pala. Tsaka, naiinis ako sa pagmumukha niya. Feeling ko, sinisira niya lagi araw ako. But at the same time, I feel special to him. Yun bang, iba niya ako tratuhin" sabi ko at tiningnan sila.
"Oh my god Reign! Mali yung ginawa mo kay Kevin. Bakit kasi ang manhid mo? Sinabi ko naman na sayo dati pa na may gusto nga yun sayo, nung time na binigyan ka niya ng letter. Or should I say, love letter. Bakit di ka nakinig?" Sabi ni Xheira with a low tone.
So, kasalanan ko pa? Manhid? Ako? Di naman ah. Sadyang.. sadyang takot lang ako magmahal.. ulit.
"No, it's not what you think. Sadyang.." ugh ano ba idadahilan ko?
"Sadyang ano? Sadyang wala ka lang talagang pake sa kanya ano? Reign, alam mo. Ayusin mo yan. Yung feelings mo, kasi napapansin ko may gusto din yan sayong si Nathan. Natotorpe lang din ata. Haba ng hair mo teh" sabi naman ni Bianca.
"Oo nga Reign. Fix your feelings kasi imposible namang pantay lang sila diyan sa puso mo. Maybe! Kaya mo naf'feel na may gusto ka kay Nathan it's because of the things that he's doing for you! Am I right? Tulad na lang ng pagiging mabait niya sayo tapos lagi ka niyang pinapasaya. You like him because of his personality. Na'attract ka sa personality niya. You like him because you need him at mali yun" sabi ni Xheira. I'm getting her point. Parang ganun nga yung nararamdaman ko.
"Tumpak Xheira! Apir!! *pak* While on Kevin's side, nasanay ka na na lagi siyang nandyan for you even kahit iniinis ka lang niya or inaasar, still nakakamiss pa din yun para sayo right?" sabi ni Bianca. Tumango naman ako sa sinabi niya saken.
"So, ang lumalabas, kailangan mo siya. Hindi buo araw mo pag hindi mo siya nakikita or di mo nararamdaman presence niya. In short, you need him because you like him. The end." Pagpapatuloy ni Bianca.
"Uh-huh. See? There's some difference. So, yung pagkagusto mo kay Nathan, it's just an infatuation Reign, meaning mas matimbang pa din yung feelings mo for Kevin. Hindi mo lang pinapakita kasi natatakot ka" pag-sang ayon ni Xheira sa sinabi ni Biancs.
Bakit ba ang galing mag-advice ng mga to? Eh alam ko naman tong si Xheira ay NBSB. Tapos ito namang si Biancs, hindi seryoso sa mga bagay bagay. Kaya nakakapagtaka lang na their saying this things to me. But I want to thank them for clearing up my messy mind. Medyo naliwanagan naman ako sa mga sinabi nila. So they helped me. Thank god!
Pero huli na din e. Wala na si Kevin. Imposible na pakinggan niya pa ang mga sasabihin ko. Kaya it's too late na din.
"So what are your plans Reign? You're going to talk to him?" tanong sakin ni Xheira.
"I don't know. I'll just go with the flow" sabi ko na lang at ngumiti.
"Okay then" sabi naman ni Bianca at ngumiti din.
BINABASA MO ANG
I love you, goodbye.
Ficção AdolescenteWhat if dumating yung taong ipaparamdam sayo ang tunay na pag-ibig? Papakawalan mo pa ba siya? What if he suffer his life just for you? Would you feel guilty? Can you live without him? Hmmm.