Chapter 36: Untitled

31 1 0
                                    

Bianca’s POV

“Okay! Information given! Thank you!”

(Okay bye)

*toot*

Nandito ako ngayon kasama si Xheira. Actually, dapat ako lang mag-isa kaso nakasalubong ko to sa entrance ng mall. (A/n: yung pronounciation ng name ni Xheira is “Sey-ra”. Okayyyy)

*Flashback*

Papasok ako ngayon sa mall nang biglang may humatak sa braso ko.

“Bianca?” sabi ni Xheira

“Oh Xheira, nandito ka pala. Ano gagawin mo sa mall?” tanong ko.

 

“Bibili ng damit para sa engagement party bukas” sabi niya. Si Kevin siguro nag-invite sa kanya.

“Ikaw ba’t ka nandito?” tanong niya

“Bibili din ng damit ko tsaka kay Reign” sagot ko

“Woah. Can’t wait na makita siyang naka-dress! Haha!”

 

“Me too. Grabe lang! Tara na!” sabi ko

*End of flashback*

So ayun, ngayon nandito kami sa isang shop sa mall na puro cocktail dress at madami pang iba! Ang gaganda ng mga damit! Dito kasi, pag bumili ka ng dress, may kasama na yun na heels na bagay sa dress na pinili mo. Astig di ba? *.*

“Ang gaganda ng mga dress no?” –Xheira

“SOBRA!!” sabi ko at nag-iikot ikot na.

Tinawagan ko si Reign kanina. She said, dark colors daw yung type niya.

After 20 minutes, nakapili na kami ni Xheira. Yung saken is light pink na cocktail dress. Tube sya. Hanggang tuhod. Then, may belt sa gitna na color black. I love it! Yung heels, color pink na puro glitters. While yung kay Xheira is color maroon. Fitted yung dress niya. Then may konting ruffles sa babang part. Yung heels niya is color black.

Napako yung mata ko sa isang dress na color black and violet. Iniimagine ko kung bagay ba kay Reign yun? Parang pwede na din. Sa taas na part niya, color black then violet sa baba. (A/n: See picture at the right side) yung heels niya is color black with violet. Animal print.

Magustuhan niya kaya to? Hay bahala na! So yun, binayaran na namin sa counter. Then kumain muna kami ni Xheira sa food court.

 

 

“Hindi ba invited si Frances?” I asked.

 

“Invited sya kaso may family gathering sila bukas kaya di sya makakapunta” sabi niya. Kaya pala.

Tumango tango lang ako.

“Ano ba itsura nung Russel? I didn’t see him before. Tsaka ex daw yun ni Reign?” Xheira asked.

 

“May itsura si Russel. Gwapo yun! Heartthrob pa! Yes, ex sya ni Reign. And I can’t believe it. Ieengage siya sa ex bestfriend ni Reign”

 

“Ex bestfriend?”

“Yea. Si Eunice yung fiancée ni Russel which is Reign’s former bestfriend”

“Oh. Isn’t that hard for Reign na umattend bukas? To think na ang aatendan niya bukas ay engagement party ng ex at ex-bestfriend niya?”

“Syempre mahirap para sa kanya no. Lalo pa at masasaksihan niya with her two eyes. Buti na lang at masquerade party bukas tsaka moved on na siguro sya kay Russel. It’s been many years”

Tumango tango lang si Xheira sa sinabi ko.

“Tingnan mo bukas kung ano magiging reaction niya ah” sabi niya.

 

“Sure! Mind reader ata ako. Tsaka mabilis ako makahalata *wink*

After 45 minutes of chit-chatting, umuwi na kami. Bukas ko na lang ibibigay kay Reign yung nabili ko. Hapon pa naman yung party e.

I love you, goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon