Kevin’s POV
“Ibaba mo na ako!” sabi niya nang matapat kami sa gate nila.
“Eto na! Di makapaghintay? Tss” sabi ko at binaba na siya. Hawak ko pa rin bag niya. Lecheng babae to, ginawa akong alipin niya. -_-
*Tok tok* katok ko sa pinto nila.
Pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang babae. Medyo matanda na din. Mga nasa 40 yrs. Old. Mama nya siguro to.
“Magandang umaga po” sabi ko at tumungo
Nginitian lang ako nung mama niya.
“Oh Reign, ano nangyari sa tuhod mo?” tanong ng mama niya.
“Baka gusto mo muna kami papasukin?” sabi ni Reign. Ganto pala sya makipag-usap sa nanay niya. Langya to.
Napangiti na lang yung mama ni Reign sa sinabi niya. Sanay na siguro sa ugali ng anak niya.
Naupo ako sa isang upuan sa sala nila.
“Ano ba nangyari sa tuhod mo nak?” tanong nung mama niya.
“I fell from the stairs. At alam mo kung sino dahilan? Yung walanghiyang Russel na yun. Binigyan-bigyan mo pa kase ng second chance! Tss sunod tuloy ng sunod saken sa school!” sabat niya.
“Bakit naman siya ang dahilan?”
“Hinabol niya kasi ako. Naghabulan kami sa hagdan tas yun nadulas ako at nahulog” sabi ni Reign
“Eh bakit naman kasi tumakbo ka pa? Baka may gusto lang sabihin sayo yung tao”
“So ano? Ako na naman ang mali? Ako na naman ang may kasalanan? Lagi na lang ah!” sabi niya at dire-diretsong tumaas.
I heard a deep sighed from her mom.
“Pasensya ka na sa inasal ni Reign. Ganun lang talaga sya”
“Okay lang po. Sanay na ako” sabi ko
“Ano palang pangalan mo? Salamat at hinatid mo ang anak ko”
Ngumiti lang ako.
“Wala ho yun. Kevin na lang” sagot ko.
“Okay Kevin, maiwan muna kita ha? Maghahanda lang ako ng makakain” tumango lang ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
I love you, goodbye.
Fiksi RemajaWhat if dumating yung taong ipaparamdam sayo ang tunay na pag-ibig? Papakawalan mo pa ba siya? What if he suffer his life just for you? Would you feel guilty? Can you live without him? Hmmm.