Kevin's POV
Nandito ako ngayon sa kotse ni Ross. Kasama sina Ross at Tyrone. Wala yung dalawa, nasa klase. Nagbabagong buhay na daw sila! Di kapani-paniwala!
Yung parking lot kasi malapit sa garden ng school kaya nakikita namin sina Reign dito. Oo sina Reign. Kanina sya lang e. Kaso biglang dumating sina Xheira at Bianca. (A/n: Guys! Eto yung POV ni Kevin dun sa chapter 43 okay? ;) baka naguguluhan kayo)
"Mukhang may pinag-uusapan sila. Ano naman kaya yun?" tanong ni Tyrone habang nakatingin sa labas.
"Mukhang may pinagtatalunan sila. Based on their expressions" sabi naman ni Ross.
"Baka nakwento na ni Reign sa kanila yung nangyari?" –Tyrone.
"Baka nga" tipid kong sagot.
Makita ko lang mukha niya, naiiyak na naman ako. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong mag-sorry. Kaso.. di ko kaya.
"Oy wala kayong balak pumasok ng klase?" tanong ko sa kanila.
"Tinatamad ako." Sagot ni tyrone.
"Baka itakas mo tong kotse ko. Mahirap na" sabi ni Ross sabay tawa ng nakakaloko.
"Gagu. Aanhin ko kotse mo? Di ko type yan!" sabat ko.
Nagtawanan lang silang dalawa.
"So san tayo mamaya? Susundan pa ba natin sya?" –Ross.
"Wag na. Baka Makita pa tayo" sabi ko at humarap sa bintana.
"Sigurado titigil muna yan sa park mamaya. Sundan natin" Tyrone said.
After 2 hrs.
"Oy pards. Uwian na! Si Reign nakalabas na ata!!" sigaw ni Tyrone kaya bigla akong nagising.
Inalog ko naman si Ross kaya nagising na din sya.
"Ross, magdrive ka na bilis!" sigaw ko.
"Eto na. Puta kayo." Sabi niya at nagdrive na.
Ilang minutes ang nakalipas, nakadating na kami sa park. Oo nga, nandun nga si Reign. Nakatungo sya.
"Umiiyak pare" sambit ni Tyrone.
"Tangna mo kasi Kevin!" sigaw ni Ross saken.
"Ano bang ginawa ko?" tanong ko.
"Ewan?! Lapitan mo na kasi!" -Ross
"Gagu. Di pwede! May plano nga tayo di ba? Tanga nito!" sigaw ni Tyrone. Ge mag-away pa kayo.
"Tama si Tyrone. May plano tayo. Pag nilapitan ko sya, baka masira yun" sabi ko.
"Gagu. Takot ka lang e!" –Ross. Ikaw na lang kaya lumapit? Leche to.
Nakatitig lang ako kay Reign. Ganda pa din niya. Kaya sabi ko sa inyo e. Bagay kami! Ang lalim ng iniisip niya. Kasama kaya ako sa mga iniisip niya? Siguro hindi. Puro pizza laman ng utak niyan e. Joke.
BINABASA MO ANG
I love you, goodbye.
Teen FictionWhat if dumating yung taong ipaparamdam sayo ang tunay na pag-ibig? Papakawalan mo pa ba siya? What if he suffer his life just for you? Would you feel guilty? Can you live without him? Hmmm.