Chapter 5: The interview

143 4 1
                                    

Reign's POV

Papunta na ko ngayon sa ground floor… Kasalukuyan kong tinitingnan yung messages ko sa cellphone, baka may nagtext nang biglang,

 

*BOOG*

 

“Aray. Shit” ang sakit nun ah! Napahiga ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabunggo saken nung lalaki.. Parehas pala kaming napahiga.. Ay I mean, napaupo lang pala siya. Yung cellphone ko, nabagsak >,<

“Watch where you’re going Miss” sabi niya tas dumiretso na pataas.

Aba, tingnan mo nga naman, so ako pa may kasalanan ganun? Tangna niya ah.. Babawian ko yun pag nagkita ulit kami.. Namukhaan ko naman e. Ganun ako kapag may gumagawang hindi tama sa akin ang isang tao, tinititigan ko sa mukha para matandaan ko pag nagkita ulit kami.. Letse talaga! T,T

“Nakita ko yun ah. Hahahaha” Sabi ni Dianne. My mortal enemy.. Kasama na naman niya yung mga alipores niya.. Pangalan pala nung isa ay Trixie. Narinig ko lang nung nasa room kami.

 

“Malamang, baka may mga mata ka di ba?” pamamrangka ko.. Nakita kong nagtawanan yung mga nasa paligid namen pati na din yung dalawang kasama niya kaso pinigilan lang nila.. Masyado atang takot sa MASTER daw nila. Yuck.

 

“Kawawa ka naman.. Hindi ka niya tinulungan” sabi niya sabay smirked.

“So what?” pagtataray ko.

“Wala naman.. Musta pagkakahiga mo sa sahig? Ayos ba? HAHAHAHHAHAH” sabi niya with matching taas ng kilay.

“Oo ang sarap sobra.. Oh eto *PAK!* Now naranasan mo din.. Baka naiinggit ka e.” sabi ko sakanya. Nakita ko naman siyang napahiga nang konti habang hawak yung pisngi na sinampal ko.. Tas ang epic ng expressions ng mga kasama niya… Gulat sila e. tss, hndi niya pa ata nararanasan mapahiga sa sahig, kaya ayan.. Pinaranas ko na sakanya. *Smirk*

 

“Tsk. HOW DARE YOU?!” sigaw niya tas hahatakin niya sana yung napakaganda kong buhok kaso naunahan ko siya.

Hinawakan ko siya sa siko sabay sabing “Sge, subukan mo lang ituloy yang binabalak mo… Makakalbo kita” natakot ata siya sinabi ko kaya binitawan niya yung.. Ehem, napakaganda kong buhok.

“Sinasayang niyo lang oras ko.. Tsk. Get out of my way bitches” sabi ko tas sinanggi ko sila ng konti para tumabi sila sa daan -,- Peste talaga yung Dianne na yun.. FEELING MAGANDA. Tss. Kay panget panget naman.. Mukhang pok-squared.

 

“Ang cool niya”

 

“Siga nga e. Kababaeng tao, ganyan umasta”

 

“Sira. Astig kaya ng ganun”

 

“Pasikat lang siya gaga. Just look at her, porke may itsura siya, ganyan na siya makisama sa ibang tao. Tsktsk”

YAN YUNG NARINIG KONG USAPAN NG DALAWANG JUNIOR SA MAY HAGDAN.. PAPATULAN KO TALAGA TO. PERO WAG NA… GANTO NLANG GAGAWIN KO,

Tiningnan ko lang sila ng masama tas inayos na yung mga gamit ko.

So san na nga ba ako pupunta? AH! Sa ground floor, yeah. Nako, late na late na ko.. Teka, pake ba nila kung late ako tsaka pake ko ba kung late ako? Tss

 

“Why are you late? Alam mo bang ikaw nlang ang hinihintay namen dito?” sabi ni Ms. Lagrosa.. Siya ata yung nagm’manage nung interview -,- Ano ba pwede valid reason?

 

Ah! Alam ko na.. “May pinuntahan pa po kase ako sa kabilang building. Sorry” sabi ko nlang.. Sana mapaniwala ko sila.. Nakakadiri.. Nagpo-”po” ako.

 

“Come in. Basta make sure na hndi na mauulit okay?” sabi niya.

“Yes Ma’am” =____= Tsk.

“OKAY SO LET’S START THE INTERVIEW BLAH BLAH BLAH” hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya. Wala ako sa sarili ngayon >,<

 

After 1 hour of waiting..

 

“Next is IV-1 president” so ako na? Kaya naman pumasok ako dun sa may pintuan tas umupo. Kaharap ko ngayon si ano… Sino ba to? Ah. Si Ms. Lagrosa.. Medyo matanda na to kaya ewan ko nlang kung makakapagusap kami ng maayos.

 

“Anong pangalan mo?” panimula niya.

“Reign Smith” sabi ko nang walang kagana-gana -,-

“Okay Reign.. Sa tingin mo, bakit ikaw ang binoto nila maging President?” tanong niya

“Bakit di sila ang tanungin mo niyan?” pangbabasag ko

 

“Pwede ba sumagot ka ng maayos?! Kundi mapapalayas talaga kita!” nanakot pa ah? Psh

“Go, do it. I’ll be glad if you do so” sabi ko sakanya.

                                                                                                                                   

“UGH! Ms. Cruz! Ms. Cruz! Bring this student to the detention room! NOW!” napainit ko ata yung ulo niya? 1hr. akong naghintay tas palalabasin lang din ako? ASAR. >,<  Bwisit naman tong assistant niya.. So kelangan hihilahin talaga ko patayo?!

“Don’t touch me. Kaya ko tumayo. K?” pagsusungit ko.

I love you, goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon