Chapter 14

16 1 0
                                    

"Daddy, ang laki po ng bahay mo." si Jewel, kababa namin ng sasakyan. Kinuha ko ang mga gamit na hawak ni Hiella at nilingon si Jewel.

"Bahay natin anak." 

"Ako na." anas ni Hiella, umiling ako at kinuha lahat.

"Hindi mo kailangang magbuhat kapag nandito ako." wika ko at nagsimula ng maglakad. Nasa kabila ko si Stone na tahimik habang karga nito ang maliit na backpack, nasa loob ang mga paboritong libro na kinuha.

Habang sa tabi ko naman si Hiella na hawak sa kamay si Jewel.

"Sir Cedric!" Humahangos na sabi ni Manong Ben,Isa sa mga bodyguards ko sa bahay. Mabilis nitong binuksan ang gate at kinuha ang ilang mga dala ko.

Nagtataka si Manong Ben na napatingin sa mga kasama ko. 

"Handa na po ba lahat ng sinabi ko Manong?"

"Opo Sir, ah-eh s-sino po sila?"kuryosong tanong nito. Pagak akong natawa, sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Jewel.

"I'm Jewel Maira po."

"And this is my mom." sabay turo nito kay Hiella. "And my twin brother, Stone." she said and smiled before she glanced at me. "And my dad. Nice meeting you po, Manong."

"Ah, ganon din ako, Iha." may taka parin sa boses na sagot ni Manong at pinalipat lipat ang tingin sa aming apat. Sinong hindi ako magugulat kung ngayon lang ako umuwi tapos may dala ng pamilya.

"Let's go na po." Jewel exclaimed excitedly and started walking.

"Jewel." may bahid na panenermon sa bases ni Hiella at hinila ang naunang anak saka isinabay sa kanya.

Nagkangiti kong nilingon si Hiella. "Hayaan mo siya."

"Pero magkukulit ito sa loob.." Hiella replied worriedly.

Natawa ako sa isip ng kumibot ang labi ni Jewel, ani mo gustong magreklamo pero hindi magawa dahil baka mas lalong magalit ang ina.

"Hayaan mo na." I murmured softly and gazed at my daughter. "Princess..."

"Po?" She quickly looked at me and smiled.

"Gusto mo na ba mauna sa loob?"

"Po? Yes, Dad!"

"Cedric!"

"Okey. Sabay kana kay Manong Ben but promise me one thing."

"Ano po iyon?" excited na tanong niya at patakbong lumapit na kay Manong Ben.

"Mag-ingat ka, huwag kang tatakbo." bilin ko. Tumango ito at nagwave na ng kamay at nagsimula ng maglakad.

Rinig ko ang malakas na buntong hininga ni Hiella. "Ini-spoiled mo iyong bata" aniya habang nakatanaw sa batang papalayo.

 "Ayokong siyang lumaki na palaging gusto niya ang masusunod, Cedric. I don't want her to become a brat."

"Pero ayaw ko din naman siyang tanggihan kasi ayaw ko siyang maging malungkot at alam mo iyon."

"Pero hindi parin maganda ang ginawa mo."

Hinawakan ko ito sa kamay at hinaplos. "Hmmm. Ngayon lang ito okey?"

She sighed deeply and nodded. I smile.

"Let's go." I whisper.

Nagsimula na kaming maglakad papasok.

Ngayon na ang simula ng pangarap ko.

Pagkapasok, sumalubong samin si Jewel na may hawak na pagkain sa kamay. Mabilis itong tumakbo papunta sa kapatid. Napangiti ako dahil excited niyang kinuha ang kamay ni Stone at hinila papasok.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon