"My dear Princess, please don't cry." I said and wiped the tears from her cheeks; she pouted and cried more.
"W-why?"
"Don't cry hindi makakapunta si Daddy sa work niya kapag nagpatuloy ka pa sa pag-iyak." mababang boses na sabi ko sabay pahid sa luha nito sa pisngi. Kumibot ng ilang ulit ang nguso nito sa pagpipigil para hindi mas lalong maiyak.
Hindi pwedeng ipagpilitan ang gusto anak. Habang bata kapa dapat malaman mo na hindi lahat ng gusto mo masusunod.
"I want to play with them, Daddy."
"Nandito naman ang Kuya mo."
"Nasa kwarto siya, he don't want to play outside." lumuluhang sabi ng ni Jewel, lumabi ako sa kacutetan niya.
"Please Daddy."
"Your Mom won't like it, baby kapag umuwi ka ng may sugat, ako ang malalagot kasi pinayagan kita. Gusto mo ba na mag-away kami ni Mommy mo? "
Malungkot itong napailing ng ilang beses. "No po pero promise ko naman na hindi ko hahayahang magkasugat ako, mag-iingat ako po ako." pakiusap niya at halos isiksik na ang sarili sakin.
Kanina pa nakaalis si Hiella may photo shoot daw ngayon at baka late narin siya makakauwi.
"And what if mapahamak ka doon?"
"Then call Manong Ben to come with me beside kilala naman niya ang mga bata roon."
"Jewel, lalaki lahat ang tinutukoy mong gusto mong makalaro."
Buti sana kung naroon ako!
"Hindi naman lahat Daddy. Sige na po magmula ng lumipat po tayo dito hindi na po ako nakakalabas, pagkakataon ko na po ito."
I took a deep breath and loosen my tie, ang kulit ng batang ito.
"Sige na Daddy, makikipaglaro lang naman ako, uuwi po ako agad pagkatapos. Sige na ipasama niyo si Manong Ben para bantay ko, mag-iingat naman po ako."
Jusko paano naman ako makakatanggi sa lagay na 'to?
Huminga muna ako ng malalim at binuhat siya. Inayos ko ang basang mukha nito. "Okay-"
"Yehey! Thank you, Daddy! I love you so much, muah muah."
Masayang aniya at ilang beses na hinalikan ang magkabila kong pisngi. Hindi na ako pinatapos.
Makulit itong bumaba at masayang hinarap ako. "Tatawagin ko na po si manong Ben para kausapin niyo!"
Sasagot pa sana ako ng kumaripas na ito ng takbo. Napakamot naman ako at napailing. Tignan mo ang batang ito. Abat!
Kung magkakaroon kami ulit ng anak ni Hiella sana kasing tahimik ni Stone, kasing cute ni Jewel,huwag lang kasing kulit niya din dahil hindi ko na kakayanin, syempre kasing ganda ng mata ni Hiella at kasing gwapo ng nagpagod na ama.
Soon Cedric...
Natawa nalang ako ng makita sila manong Ben, na hila hila sa kamay ni Jewel, napapasabay ito sa pagtakbo ng anak ko.
"Daddy ko!"
"Ano po iyon sir?""
"May gagawin ka ba ngayon manong?"
Kinuha ko sa kanya si Jewel dahil masydo ng makulit ang anak ko.
Kinamot ni manong Ben ang manipis na kilay at mahinang natawa ng sumulyap ito sa katabi ko. Ilang beses na umiling si Jewel, at sinasabi sa mahinang beses na wala, sabihin mo wala manong. Mahina nalang akong natawa.
Ang sutil talaga!
"Sa gate lang naman ako sir, maliban doon wala na. Bakit po?"
Natawa ako ng marinig ang mahinang yes, Ni Jewel.