Chapter 12

10 1 0
                                    

I massage my forehead and lazily look at the folders in front of me. Hindi na ba talaga matatapos ang issueng ito? I scanned the pictures one by one.

Bakit ba sila gumagawa ng ganito kung pwede namang ako nalang ang targetin ng walang napapahamak na ibang tao.

Nadadamay ang iba ng dahil sakin.

I weakly look up when someone knocks on the door.

"Cedric!"

I utter an oath to myself and look away. Mas lalo yatang sasakit ang ulo ko nito.

"I miss you. Hindi kita mahanap nitong nakaraang araw. Nasan ka noon? Saan ka nagpunta?" sunod-sunod na tanong ni Angelica at umupo sa harapan ko.

Obligasyon ko bang mag update sa kanya?

Kumurap ako at hindi siya sinagot. 

"I miss you. Ni hindi ka manlang nagsabi sakin kung saan ka nagpunta."

Kumurap muna ako bago siya hinarap. "What are you doing here?"

"Kasi namiss nga kita, nagtanong ako kay Tita pero maski siya hindi niya alam kung nasaan ka." malungkot na aniya at hinawakan ang kamay ko. Pumeke ako ng ubo at inalis ang kamay niya sakin.

"Busy, ako Angelica."

"I heard about your issue. I'm here to help you."

"Hindi na kailangan. I can do it alone." tanggi ko at nilaro ang daliri. "You can now leave Angelica."

Her brows furrowed. "Kararating ko palang, pinapaalis mo na agad ako."

Tumayo ako at nag-ayos "Okey lang naman sakin kung mananatili ka dito." napanggiti ito sa binanggit ko. "Pero aalis ako." dugtong ko na nagpawala ng ngiti niya.

"Cedric!" she hissed and came nearer. I get all my things and look at her.

"May meeting pa ako. Kung nandito ka para magliwaliw ibahin mo ako. Nandito ako para sa trabaho ko." 

She looked shocked and embarrassed at the same time.

"Excuse me." paalam ko saka sinamantala ang pagkaparalisa nito at umalis na.

"Sir nandoon na po sila sa loob." anas ni Ren at sinabayan ako sa paglalakad. Napatingin ako sa relo. Ang aga pa.

Sinenyasan ko si Ren na umalis nang makapasok ako sa loob.

"Tita..." unang salitang lumabas sa bibig ko, tinaasan lang ako niya ako ng kilay at inikot ang mata sa buong silid. "Buti hindi ito marupok." insultong bigkas niya.

Maingat akong umupo sa harapan niya. "What are you doing here, Mrs. Veliar?"

She smirked, "I'm not here for war, my dear, I'm here to negotiate. But I'm asking for something in exchange." She whispered and played with her purse.

Tumahimik ako at nag-isip kung papaunlakan ko ba ang gusto niya. Nagtitigan kaming dalawa.

 Ang matang palaban na ikinahulog ng Tito ko noon.

 Ang matang walang sinasanto.

"Oh, I think you don't believe me. ", she nodded. "I see. " May nilabas itong folder at ibinigay sakin. Nagtataka ko itong binuklat at napalunok sa nakita.

"I'm finding for them."

Lumingon ako sa kanya at muling tumingin sa litrato sa harapan. "Napapanood ko ang anak ko sa mga telebsyon pero hindi ko pa siya nakikita magmula ng pinalayas ko siya sa pamamahay ko." 

My eyes widened and quickly drifted to her. 

Mali ba ako ng pagkakarinig? Pinalayas? Pinalayas niya si Hiella?

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon