"Kapag ngayon wala pa akong mahuhuli, susuko na ako.."
Ngumiti ako sa naging bulong ni Jewel, nasa gilid kami ng ilog. Masasabi ko talaga na malinaw parin naman ang tubig pero wala pa akong masyadong nahuhuling isda..Habang si Stone nakaka sapnu na..Akalain mong relax lang siyang nakaupo habang nasa kamay ang pamingwit at sa isang kamay ang libro..
Nagbabasa pa, aber.
Kanina pa kami nandito, akala ko madali iyon pala hindi..
Tinaas ko ang hawak ng maramdamang may gumagalaw..At napangiti ng may isda akong nahuli..
"Tss..Daya bakit sakin wala?.."
"Ang sungit sungit kasi ng mukha mo, baka natatakot isda sayo.."anas ni Stone habang nakatuon parin ang tingin sa pagbabasa..Nilagay ko ang isda sa lalagyan..
Nanlaiit ang sa nakita..Ang konti palang..
"Gusto mo tumawa ako?!.."
"Tss.. Hindi naman ako nagbibiro.."
"Nahuli ka lang ng madami eh! Ganyan kan—.."
"Gumagalaw iyang hawak mo.."
Nakangiti akong lumingon sa dalawa..Dali dali nitong tinaas at halos mapasuntok ito sa hangin at napatalon kasabay ng paghiyaw..
"May nahuli na ako! Hahahah"
"Hahahah first time.."bulong ko at nakisabay sa pagtawa, winagayway ni Jewel ang isda habang tumalon talon pa..
"Jewel matigil ka nga.. Iyong tubig ng isda oh tumatalsik na sakin.."anas ni Stone..
"Kita mo ito? Hahaha"
"Iisa ang liit pa tapos grabe kung magsaya.."ani Stone..
Nakakapagod manghuli pero hindi ko iyon naramdaman sa sandaling ito dahil sa ngiti ng anak..
"May nahuli na ako! Mommy may nahuli na ako!.."sigaw niya, iling nalang akong natawa ng patakbo itong nagbalita sa ina..
"Hahaha Mommy tignan mo may nahuli na ako..Ang liit nga lang pero atleast may nahuli ako Hahahaha.."
Natawa akong napailing at sumilay ang ngiti ng makitang may nahuli na naman si Stone..
Ang unfair ah..
"Yuhoo! May nahuli na ako..Iyuuwi nalang yata kita pang remembrance ko Hahahah.."
"May nahuli na ako.."
"Tsss iisa naman.."bulong ni Stone, lumalakas na ang tinig ni Jewel halatang papalapit na ito samin..
"Yuhooo! May nahuli na ako..Tenen tenenen! May isda na ako ay halah!.."
Sabay kaming napaharap ni Stone sa biglang paghala nito at sabay na natawa ng makita ang pagkahagis ng isda sa ilog.
"No!!!! Ang isda ko.."
"HAHAHAHHAHA.."
"Pfttttt-.."
"Nasan na iyon?! Nasaan na iyon?!.."sigaw ni Jewel at humakbang papalapit sa ilog..
"Iyan kasi.."
"Manahimik ka! Isda nasan kana?.."anas ni Jewel at bumaba sa pinakababaw na partes ng ilog para hanapin ang nahagis na isda..Nagulat ako ng lumubog ito at bigla ding umahon..
Namumula na ang ilong nito..At kumibot ang labi, pinipigilan ang pag-iyak..Gusto kong maawa pero mas natatawa ako sa itsura nito..
"W-wala na iyong isda ko.."namumulang sambit, rinig ko ang pakeng ubo ni Stone para mapigilan ang tawa.. Rinig na rinig ko nadin ang malakas na halakhak ni Hiella kaya hindi ko nadin mapigilang matawa..
