"We are sorry for that incident Sir, Maam.."
"Hindi iyon aksidente."
"Sorry po talaga Sir, pagsasabihan ko po siya..Sorry talaga.. Sorry po."
"Tss.."Hiella whisper and leered her eyes.
"Pasensiya na po talaga, pasensiya na talaga.."
Tumalikod na kami sa lalaki "Walang modo mga employado niyo, sana bago niyo tinuro kung paano ang takbo ng shop na ito, naisipan niyo muna sana na ipaala ang salitang respeto.."anas ko at binalik ang binili ni Hiella, nakakabadtrip lang.
"Kailangan niyo ng magsara baka malugi kayo.."dagdag ni Hiella bago kami umalis ng tuluyan sa shop na iyon..
Nanalagi muna kami sa isang ice cream shop para magpalamig ng ulo, hindi nadin tumutol si Stone kasi may bahid parin na kunot sa noo..
"Thank you kanina Kuya..Ito ay pinaparusahan ng kulong at isang krimen under Article 358 ng Revised Penal Code: hahahah gusto ko talaga iyong salita mo doon ah..Ang galing.."
"Tumigil ka, sabing sa tabi lang kasi kita..Iyan tuloy.."
"Oo na po, sorry na..Pero thank you talaga Kuya ah.."
"Hmmm.. Welcome, ayokong may nagsasabi ng ganon sa iyo, ayoko nun.."mababang boses ni Stone, napanguso naman si Jewel at hinalikan ang pisngi ng kapatid..
"Thank you..Kaya love na love kita eh.."
"Yahh.."iritableng aniya at kunyari pinahid ang halik sa pisngi.."May laway pa oh.."
"Hhhah, patingin nga..Ay halah oo! Ang cute parin talaga pati laway ko mana sakin.."
"Manahimik ka.."
"Hahahahah.."
"Jewel isa..Mommy si Jewel oh, tinatawan pa ang kalokohan.."
"Hindi ah! Happy lang ako hahaha..Smile naman diyan kapatid!."
"Tsssss..."
"Tumigil kana Jewel, huwag kang aalis sa tabi namin ng hindi nagpapaalam ah.."anas ko, tango naman ang naging sagot nito at nanahimik na..
"Nga pala, saan tayo pupunta bukas?.."
"Sa palengke! Ang ganda doon Mommy, lilipad iyong mga isda hahahha..Basta maganda doon realtalk.."
"Jewel.."anas ko at nilingon si Hiella ng sumang-ayon ito..
What the..
"Sure kayo doon talaga?.."Hindi ko na mapigilang sambit..
"Opo, kukunin nalang natin kila Manang iyong papalengkehin..Hindi pa yata sila nakakabili.."sabi ni Jewel at nagpatuloy sa pagkain..
Wala sa sarili kong nasubo ang hawak at agad na binitawan ng tissue pala iyon..
Pwee, nadikit pa yata sa dila..
"Hindi kapa nagpunta doon?.."tanong ni Hiella at nilingon ako.. Huminga ako ng malalim bago sumagot..
"Minsan..Isang bese lang yata.."sagot ko..
"Mas maganda...Dapat pumunta ka.."aniya..
Pero..Sige na nga!..
"Aalis na ba tayo pagkatapos nito Mommy?.."
"Ano sa tingin mo? Tsss..Punasan mo nga iyang pisngi mo..Ang dumi.."
"Oo na po...Kuya talaga.."
Pagkatapos namin, agad na kaming umuwi..Akala ko pagod na ang mga bata pero hindi pa pala..Si Jewel nanggulo sa mga lutuin habang si Stone naman na todo bantay para hindi masaktan ang kapatid..Nagkulitan sila kaya hindi nalang ako magtataka na agad silang nakatulog..
