Lukso ng dugo ang malakas na pinanghahawakan ko, hindi ako puwedeng magkamali. Malakas ang kutob ko na akin talaga si Jewel at sa oras na mapatunayan ko iyon ay babawiin ko silang dalawa sakin.
Masaya kong dala ang bag na pinabili para kay Mommy, hindi ko pa pala naibibigay.
"Who chose this one? Hmmm?" Mommy asked while holding the bag and looking at it.
Ngumiti ako. Your granddaughter.
"Ako Mommy, maganda ba?"
Gulat itong lumingon sakin. "Really? Pili mo ito?"
"Oo nga."
"Hindi ako naniniwala."
"E 'di 'wag kang maniwala."
Pinanliitan ako nito ng mata."Who's that little girl?"
I fake a chuckle to hide my shock.
"Who?" inosente kong tanong pabalik.
"Huwag mo akong ma who who Cedric!Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!"
Masuyu ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso."Mommy naman huwag ka ng magalit, don't worry inaayos ko na buhay ko."
"Siguraduhin mo lang."
"Wala ba kayong tiwala sakin?"
"May tiwala ako sayo anak, paalala ko lang sayo. Huwag na huwag mong akuhin ang responsibilidad na para sa iba." mababang
boses na sambit nito. Ngumuso ako at tumango.Ang responsibilidad na iyon ay talagang para sakin, Mommy.
"Lumalagpas kana sa kalendaryo, hindi kana bumabata. Kailan mo balak mag-asawa? Kailan mo ako balak bigyan ng apo? Nandiyan naman si Angelica. Bakit kasi hindi nalang siya?"
Napaiwas ako ng tingin at lumayo kay Mommy.
Hindi naman siya ang gusto kong mapangasawa.
"Dadating po tayo diyan." makahulugang sagot "And don't push me to her Mom, hindi po siya ang gusto ko. May iba na akong mahal at sa oras na magkaayos kami ay agad ko siyang ipapakilala sa inyo." saka ako nagpaalam na paalis.
NAGING abala ako nitong mga nagdaang araw dahil sa bintang ng isang kumpanya samin. Kailangan ko iyong maayos bago pa niya ikalat ang katangahan na ginawa nila at nadadamay pa kami.
Ilang araw ko ng ding hindi nakikita si Jewel at miss na miss ko na ang batang iyon. Sa cellphone nalang kami nag-uusap kaya minsan naiibsan ang inis ko sa iba. Marinig ko lang ang tinig niya, nawawala na lahat ng problema ko.
I glared to the person who entered my office without my permission.
"Hey." si Angelica.
I sighed at nagkunwaring abala sa ginagawa.
"I miss you. Labas tayo, please. Hindi mo ba ako namiss?"
"I'm busy Angelica, magpasama ka na lang sa iba."
"Pero ikaw ang gusto kong makasama."
I leered my eyes and took a peep on my phone's screen ng bigla itong umilaw. Sinenyas ko si Angelica na manahimik bago tinapat sa tenga ang telepono ko.
"Tito! I miss you na po!"
My baby!
Hindi ko mapigilang mapangiti ng marinig ko ang boses niya.
"I miss you too, Baby. Kumain ka na?"
I heard a groan in the other line. "No pa po. Mommy is busy again. Stone ano ba! Sabing gusto kong panoorin iyon e! Pakealamero tsk."
