"Stop smiling, you asshole!"
I hide the smile in my face and concentrate on driving.
Jealous?
Tanghali na pala hindi pa kami kumakain.
"Gutom kana ba?" tanong ko at sumulyap sa salamin sa harapan kung gising na ba ang mga bata. Gising na si Jewel, nagkukusot ng mata. Natawa ako ng tinulak niya ang noo ng kapatid dahilan para magising narin ito.
"Ano ba Jewel." malumanay na sabi ni Stone.
"Nakakangalay kasi Kuya."
"Kapag ikaw sumasandal sakin hindi naman kita tinutulak."
"Tama na iyan." suway ni Hiella.
"Mommy si Jewel kasi.."
"Ay hala! Bakit ako?" bilog ang mata at nagtatakang sabi ni Jewel. Napangiti ako dahil natawa si Stone sa naging reaction ng kapatid.
"Gutom na ba kayo?" Singit ko sa usapan nila, napasulyap sakin si Hiella bago sa mga bata.
"I'm hungry na po," said Jewel. lumingon ako kay Hiella.
"You don't have shades, paano ka makakasama?"
She shrug. "Hintayin ko nalanag kayo dito."
My brows furrowed. "No, kakainin kadin kasama namin."
Nakakunot noo itong lumingon sakin. "E anong gusto mo? Makita ako doon at pagkaguluhan tayo?"
Saan ba kami kakain?
"Sa mall nalang tayo pupunta dad at bilhan muna si Mom ng shade or anything na pwedeng panakip para hindi siya makilala." si Stone.
Ang galing! Iyon din sana sasabihin ko, naunahan lang ako ng anak ko.
Pinatay ko na ang sasakyan ng nasa tapat na kami ng mall, lalabas na sana ako ng hinawakn ni Hiella ang kamay ko. Gulat akong napatingin sa kamay namin bago sa kanya.
"Huwag na. Kalat na iyong nangyari kanina at kapag nakita ka nila ikaw naman ang babatuhin nila ng madaming tanong." aniya at binitawan ang kamay ko. "Pwera nalang kung itanggi mo."
"Bakit ko naman itatanggi."
"Kahit pa itanggi mo may pruweba naman na ikaw iyong kasama ko at makilala din nila ang mga bata. Pinapahamak mo lang sarili mo." bulong niya at lumingon sa bintana.
"Mommy is right, dad, paupahin na muna natin iyong isyu para wala na pong gulo." Stone said.
"Baka kasi mapahamak ka po lalo na ngayon mainit ang mata ng media dahil kuryoso sila kung sino ka. Beside, Mommy will hold a press conference tomorrow to explain everything, and we need to trust her and her supporters also, because a true fan will never leave their idol just because of a single issue."
My eyes widened. I heard Hiella's gasp and Jewel's clap. I face my son.
"Ang galing natin tsong! Epekto ba iyan ng kababasa ng dictionary, Kuya?" natatawang sabi ni Jewel and tap her twin's shoulder. "Bagay sayo maging lawyer pero palagay ko mas bagay sayo maging teacher. Diba Mom? Tapos laging mong turo pang word of wisdom ang dating. Naku! Tiyak na famous ka niyan hahahaha."
"Shut up. Its not funny." Stone replied seriously and looked away. I saw a ghost of a smile form on his lips and tried to hide it.
"Hindi daw pero ngumingiti iyong tenga." loko pa lalo ni Jewel at sinundot sa sagiliran ang kapatid.
"Ano ba Jewel. Mommy oh si Jewel hahah."
Natawa ako sa kakulitan nilang dalawa. Napalingon ako ng marinig ang tawa din ni Hiella.