"Hiella mag-usap tayo."
"Hiella pag-usapan natin kung anong kinaiinisan mo."
"Hiella..."
Napapikit ako sa lakas na pagkasarado niya ng pinto at nanlilisik na mata akong hinarap.
"Hindi mo dapat sila pinunta doon Cedric!"
"Tangina naman! Lahat nalang ba ng nagagawa mo ikakainis ko?!"
I cleared my throat before answering her. "I'm sorry. Hindi ko naman alam na magagalit ka pala."
"Ngayon alam mo na! Ngayon alam mo na, pero wala nang kawala ang mga anak ko sa Lolo at Lola nila!"
"I'm sorry, pero kahit na anong intindi ko sa nagawa ko wala talaga akong makitang mali. There's nothing wrong with meeting their own grandparents, Hiella, and now that you're acting this way, I'm wondering if it's because of me or because of you." I heard her loud groan before she turned her back to me.
"Now answer me. Anong mali sa nagawa ko?"
She remained silent and angrily threw her purse on the bed. "Ang tanging mali ko lang doon ay ang hindi ko pagpaalam sayo." kumurap ako ng ilang ulit, pero kung ayaw niya talaga na mapalapit ang mga bata sa magulang ko hindi ko naman siya pipilitin, rerespetuhin ko iyon pero kailangan ko munang malaman kung bakit?
Bakit ayaw niya? Bakit hindi pwede? Tungkol na naman ba ito samin? Tungkol na naman ba ito sakin at sa mga nagawa ko? Pero bakit kailangang madamay ang mga bata.
I sighed deeply "Naiintidahan ko..." bulong ko sa mababang boses. Huwag nating pilitin ang ayaw. "Kung nagagalit ka dahil dinala ko sila sa m—.."
"Sa tingin mo talaga ayaw ko na magkita sila? Hindi ako ganon kasamang Ina na pagbawalan ang mga bata sa bagay na magpapasaya sa kanila!"
"Kung ganoon bakit ka nagagalit ng ganyan?"
I stir when she looks at me with bloodshot eyes. "Because I don't want them to ask! Ayaw ko na magtanong sila tungkol sa mga Lolo at Lola nila! Kasi wala akong maisasagot!"
"Ano sa tingin mo ang iisipin nila?! You quickly introduce them to your parents while me." pumiyok ito at tinuro ang sarili. "Ako na hindi ko k-kaya."I quickly caught her ng kamuntikan na siyang mapaupo.
My eyes widened, and she cried while pushing my chest.."Hindi mo dapat iyon ginawa! Magtatanong s-sila kung nasaan ang magulang ko. Kung bakit hindi ko pa sila p-pinapakilala sa m-magulang ko. Kung bakit w-wala sila." sinalag ko ang suntok nito at niyakap siya. Tiniis ko ang bawat pagsuntok nito sakin habang humihikbi ito.
"K-kasi wala akong m-maisasagot!. N-naiintindihan mo ba ako?! W-wala akong maisasagot kung tungkol sa p-pamilya ko."
Hinaplos ko ang buhok nito, habang umiiyak parin siya sa bisig ko.
"I'm sorry..."
Hiella cried hurtfully.
"I'm sorry, baby, I'm sorry..."
Ilang minuto ng tulog si Hiella sa tabi ko, nakasiksik sakin. Ramdam ko ang pamamanhid ng braso pero hindi ko magawang alisin siya roon habang ako'y nagkatingin parin sa taas at hindi pa dinadalaw ng antok. Iniisip kung anong ibig sabihin ng sinabi niya kanina. Iniisip ng maigi kung tama ba ako ng hinala.
Kasi kung oo, hindi ko talaga mapapatawad lalo ang sarili ko.
Hiella moan, nagtangkang gumalaw at magiba ng posisyon. Ang isa kong bakanteng kamay ay binaba sa bewang ni Hiella para hilain siya palapit. I pulled her closer in my body possessively. I beam weakly.
All this time, I'm killing you inside Hiella.
Why did you not tell me how much you suffered emotionally? Why did you carry all the problems and show that you could still do it without me? How can you stand up and continue moving despite all the pain I cause you?
