Mga pagkain, inumin at susuutin ay naihanda na. Napangiti ako ng maalala na nagbangayan pa pala kami sa kusina bago matapos lahat. Ang saya lang, having such a wonderful family.
Agad akong napatayo sa pagkakasandal ng makita si Hiella palabas kasama ng mga bata.
"Ako na." anas ko at kinuha ang dala ni Hiella.
"Huwag na, kaya ko itong mag-isa." aniya pero nagpumilit ako at kinuha lahat ang dala niya.
"Sinabi ko na sayo hindi mo kailangang magbuhat kapag nandito ako." bulong ko bago tumalikod at nilagay lahat ng gamit sa loob ng sasakyan bago ko sila inayang pumasok na.
Nakangiti lang ako buong biyahe at minsan napapasulyap sa kakulitan ng makulit kong iha.
Parang nawala lahat ng pagod ko kapag nakikita ko silang nakangiti.
Papunta na kami, nagtanong nadin ako kay Mommy kung saan pwede at naisip naman niya na mas maganda daw sa ilog malapit sa lupain ng mga Veralde.
Kaya doon nalang.
Habang nagmamaneho, napasulyap ako kay Hiella. Tinabi ko ang sasakyan ng makitang nakatulog na ito, saktong malubak konti ang daan kaya hindi ako siguro kung magiging maayos ba ang pagtulog niya.
Napasulyap din ako sa mga bata.
Ang tahimik ka ko, tulog na pala ang dalawa.
Inayos ko ang magulo na hibla na buhok ni Hiella bago ko inalalayaan ang ulo niya at binaba ang upuan niya. Nang makitang maayos na ito ay babalik na sana ako ng marinig ko ang mahinang bulong niya.
"Cedric..." gulat akong napalingon sa kanya.
Kasama ba ako sa panaginip mo asawa ko?
I caress her head and arrange her hair.
Ang mata nito na nagpapatahimik sakin kapag galit siya, ang pisngi na nagpapasaya sakin kapag namumula siya. Ang labi niya na kasing pula ng dugo. Kahit na walang meykap sa mukha maganda parin. Binaba ko ang tingin at bahagyang napalunok ng makita ang pag-awang ng labi niya.
Parang inaakit ako ng mga labing iyon kahit na alam kong tulog na tulog siya. Mariin akong napamura sa sarili at napalunok.
Bakit ba ganito ang tibok ng puso kapag nakatingin ka sa taong mahal mo?
I wet my lips and my face turns red when she murmured again my name at sinundan ng mahinang halinghing.
Hindi ko alam kung sa anong dahilan ako namula. Sa pagbulong niya sa pangalan ko at sinundan ng ungol o ang nasa isip na baka nanaginip siya ng katalik niya ako?
Tangina Cedric!
Huminga ako ng malalim, ang hininga ay malakas ayon narin nalipad na buhok nito sa mukha, patunay na may kalakasan talaga. I utter a oath to myself and slap my face gentle.
Gising Cedric!
Tangina lang, tulog iyang pinagpapantasiyahan mo!
I wet my lips and lower my body. One wrong move our lips will meet again.. Napakurap ako ng ilang beses at ilalayo na sana ng bigla siyang gumalaw kaya sa hindi inaasahang pangyayari nagisa ang labi naming dalawa.
"C-cedric?" gulat na tanong niya.
Agad akong umayos ng upo at lumingon sa ibang direksiyon.
Ang init ng mukha ko.
"What happened? Nasaan tayo?" tanong niya, napapalunok akong lumingon sa kanya.
"Nasan na tayo? Bakit tayo tumigil? Nasiraan ba?" tanong niya at ginala ang mata sa labas.