Chapter 8

29 1 0
                                    

I suddenly gulped when I heard her moan.

"Dad." Jewel whispers and smiles.

"Natutulog pa ang Mommy niyo, mamaya na tayo aalis. Okey lang ba?"

They nodded in union. "Napagod po siguro si Mommy." aniya.

Yes Princess, pagod na pagod.

Nanlaki ang mata naming tatlo ng biglang gumalaw si Hiella at nagmulat ng mata. Kumurap ito ng ilang ulit at agad na napatingin sakin. Her eyes widened as she quickly stood up.

"Mommy!" si Jewel.

Hindi alintana ang tingin ng iba. Tumayo ako at lumapit sa kanya. My eyebrows furrowed when she stepped back. What's wrong?

"Nakatulog ka kanina, kaya inilagay ko ang ulo mo sa balikat ko."

She shyly looked away at mas lalong nanlaki ang mata ng mapagtantong wala na itong suot na shades.

Kaya nga ako lumalapit kasi isusuot ko ito, pero layo ka naman ng layo.

Mabilis itong yumuko at ginamit ang buhok panakip.

I wet my lips. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa baba. She slapped my hand, pero nagpumilit ako. I show how her eyes change by being shocked when I put her in the shade. Inayos ko ang pagkakalagay noon sa kanya at sinabit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya.

"Sweet." I heard Jewel..

Hiella looked away pero halata na ang pagkapula ng pisngi niya.

"Sweet niyo po Mommy."

"Ang tagal mong nakatulog. Busy ka ba lagi sa work mo?" hindi ko maiwasang maitanong habang kinuha lahat ang nabili.

"Yeah. Always."

"Dapat kasi may time ka for rest." I murmured and swallowed my own saliva when she looked away.

"Ang mga bata lang ang pahinga ko. Sa kanila lang."

Pinuntahan namin lahat ng lugar na gusto mg mga mga bata at halos gabi na ng nagpasiya kaming umalis.

"Mom sa car ka nalang po sumakay with us po."

"No need baby, magtataxi nalang ako."

"But Mom sayang lang po."

"May pera naman ako, it's okey sa condo nalang tayo magkita."

"Get inside." lumingon ito sakin, na para bang nagtaka kung anong sinabi ko. "Get inside."

"Magtataxi nalang ako, Cedric, sa condo lang naman."

"Kaya nga. Parehong direksiyon ang tatahakin natin, parehong condo ang pupuntahan tapos magtataxi ka pa." hindi maitago ang inis sa boses, alam kong ayaw niya akong kasama pero hindi naman magandang tanggihan niya ang anak ng dahil lang sakin.

Nilabanan ko ang masamang titig nito hanggang sa padabog itong pumasok sa loob. Iling naman akong sumunod

Tahimik ang biyahe. Nang nakarating na kami. Binuhat ko si Jewel ng makitang nakatulog na ito, si Heilla naman na inalalayan si Stone sa pagbaba.

"Idadala ko lang si Jewel sa loob." paalam ko at nilapag ang gamit sa sofa.

Dinala ko si Jewel sa kwarto nito at pinahiga. Sinigurado ko muna na maayos ang lagay nito bago lumabas .Ang siyang paglabas ko ay ang pagpasok naman ni Hiella sa kwarto ni Stone. Baka inaantok narin ito, napagod rin siguro sa paglalaro.

Hihintayin ko nalang siya sa kwarto.

Pumasok ako sa silid at tinanggal ang damit. Nakakapagod ang araw na ito pero kakaiba ang pagod na ito sa pagod na nararamdaman ko noon.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon