Nakaramdam ako ng pangunguli ng makarating na ako sa bahay. Ang bahay na pinatayo ko noon pa para sa aming dalawa. I look around and sighed.
Dito sana tayo bubuo ng maraming ala-ala. Bubuo ng masayang pamilya.
"Sir Cedric nandito na pala kayo." salubong sakin ni Manang Lorena. "Kumain na ba kayo? Naghanda ako ng makakain."
"Busog pa ako, Manang, aakyat na po ako." sagot ko saka siya tinalikuran.
Nakakamiss kakulitan ni Jewel.
Napangiti ako roon at nilabas ang telepono. Bakit nga pala di ko naisip na kuhanan siya ng litrato kanina?
Sayang! Next time.
Pagod kong binagsak ang sarili sa kama at nagtanggal ng damit. Saka napatingin sa kisame at napangiti bigla ng maalalang ibabalik ko pa pala ang laruan niya.
May rason na ulit para magkita kami ni Jewel.
KASALUKUYAN AKONG nag-aayos ng gamit sa office ng pumasok ang secretary ko.
"Sir nandito na po si Ma'am Sherlyn."
Napatigil ako sa pag-ayos at lumingon sa sekretarya ko.
"Did you already inform them to secure the area?"
"Ayos na po lahat Sir."
Pagtango ang naging sagot ko at agad nang tinapos ang ginagawa. Kasabay ko si Ren, ang secretary ko sa paglalakad palabas.
Makikita talaga ang dami at kumpol ng mga tao habang pinapaligiran si Ella. I took a deep breath. I want to help them but I know she didn't like me near her.
Nagtama ang mata naming dalawa ni Ella pero mabilis nitong iniwas ang kanyang tingin at nilagpasan kami.
Napauso ako at binilisan na lamang ang paglalakad. Maayos na ang lahat ng makarating ako. They have already settled everything.
Sumimangot ako ng sa saktong pagdating namin ay nakapalit na si Ella, maikli ang damit at nakangiting nakatingin sa camera.
Sa kanila nakangiti pa pero kapag sakin galit ka.
I spend my time staring at her. I know she's beautiful. Pero ngayon mas lalo siyang gumanda. Lumantad lalo ang hubog ng kanyang katawan at pumuti pa lalo ang kanyang balat.
Ang paghihinayang na naramdaman ay mas lalong tumindi ng lumabas ang lalaking kasama nito. Ramdam ko ang inis ng mas lalo pa itong lumapit kay Ella. My hand formed a fist, and I gritted my teeth. I quickly diverted my attention when the man held Ella's shoulder.
Tangina!
Wala sa sarili akong tumayo, ang lakas ng impact ng pagkakatayo ko kaya napatingin ang ilan sakin. Ni isa sa kanila ay hindi ko tinapunan ng tingin at mabilis kong nilisan ang silid.
I deserve to be hurt but please not all the time.
"Tito Cedric?!"
I quickly tilted my head and looked at the person who called my name. Mabilis na napalitan ng ngiti ang busangot kong mukha ng makita si Jewel na masayang tumatakbo patungo sakin.
Niluhod ko ang isang tuhod at inilahad ang dalawang kamay na handa ng salubungin siya ng yakap.
Ang lungkot na naramdaman ko ay napalitan ng tuwa ng mahigpit akong niyakap ni Jewel sa leeg at siniksik ang katawan sakin.
"Na miss ko na po libre niyo Tito! hahaha." she laughs quietly. Hindi ko din mapigilang matawa.
Pilyang bata.
