Chapter 6

38 2 0
                                        

Katahimikan ang nanaig sa aming dalawa habang nakatalikod ako sa kanya. Nasa pagitan namin ang isang unan at pinapakiramdaman ang isa't isa.

"Hinanap kita." paos na bulong ko. "At nalaman kong nawala kana, alam mo bang naging tambay pa ako sa bahay niyo para lang makita kung nandoon ka, pero wala akong nakita ni anino mo."

Naalala ko pa kung paano ako magtago sa mga puno kapag lumalabas ang mga magulang nito nang hindi lang ako makita, kung paano ako nagtiis ng gutom na baka sa ilang minutong pag-alis  ko roon ay baka masalisihan ako, na baka sa mga oras na magpapahinga ako ay doon siya lalabas.

Kung paano ako naging suwail sa magulang para lang masilayan siya. Ginawa ko iyon lahat para sa kanya.

Kasi gusto ko ulit siyang makita sa kabila ng kasalanang nagawa.

"Hinanap kita para bawiin ang sinabi ko. Hinanap kita dahil kailangan kong ayusin ang nagawa ko. Hinanap kita dahil mahal kita."  napalunok ako dahil sa sakit na nakabara sa lalamunan.

Kung sasabihin ko kaya ang rason ko tatanggapin pa ba niya ako?

Siya parin ang hinahanap ko. Si Hiella parin talaga.

"Bakit kailangan mo pang hanapin ang pinagsawaan mo? Bakit kailangan mo pang hanapin ang pinagtulakan mo?" sagot niya na may hinanakit sa boses.

"Para ipamukhang masaya ka sa naging desisyon mo?"

Hindi, hindi ko kailan man iyon naramdaman noong wala ka. 

Kung alam molang sana.

"Kaya kung gusto mong kunin ang mga bata itigil mo na, kasi hindi sila gamit para ibigay ko sayo. Hindi mo alam kung anong sakit, lungkot at hirap ang dinanas ko sa kanila tapos kukunin mo lang ng ganon kabilis dahil nalaman mong ikaw ang ama? Tangina! Ang lupit mo namang umangkin!"

Alam kong hindi na ako pwede pero pilit kong ipagsiksikan ang sarili ko muli sayo hanggang sa makulitan ka sakin at ibalik akong muli.

"Sinabi ko naman sayo, kung kukunin ko sila isasama kita." sa mahinahong boses sinabi ko iyon.

"Sa bata kalang may karapatan. Wala sakin."

"Alam ko." masakit sa kaloobang wika. "Kaya ko nga gustong ayusing muli ang buhay ko kasama kayo ng mga ba—"

"Kaya mo iyon ayusin mag-isa, Cedric."

"Pero gusto kong kasama kayo, gusto kong buuin ang pamilyang noon ko pa sana binuo."

"Anong pamilya? Sa pagitan ng ikaw at ako walang pamilyang nabuo."

Napaawang ang bibig ko roon at napakurap sa dulot ng mga salita niya. Ngunit alam kong kasalanan ko, at kulang pa ang sakit na ito sa pinaramdam ko sa kanya noon.

Rinig ko ang buntong hingina niya

"Sige, pagbibigayan kitang ipakita mo ang pagiging ama mo sa mga bata, na gawin mo ang reponsibilidad mo sa kanila ngunit sana'y huwag kang umasang bubuo ako ng pamilyang kasama ka."

NAKANGUSO KONG hinarap ang anak.

"Dad, sige na. Gusto ko po ulit kumain ng ganon. Sige na Dad." pakiusap ni Jewel sakin habang ang dalawang palad ay pinagdikit pa at masuyo akong nilapitan sa sofang kinauupuan.

"Nanood si Daddy Jewel, respetuhin mo naman." si Stone iyon.

"Manahimik ka nga!" hasik ni Jewel sa kapatid at siniksik pa lalo ang sarili sakin.

"Dad, sige na po. Gusto ko talaga ng ganon, Dad"

"Madami kanang nakain kagabi Jewel. Hindi iyon maganda sa katawan mo." anas ko at nanood ulit.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon