A girl deserves the best, iyon ang nasa aking isipan habang nakatingin sa dalawang babaeng importante sakin. Napag-usapan naming apat na isang buong linggo kaming magsasaya bago mag start ang pasukan ng mga bata.
Wala naman iyong problema sakin. I already informed Dad that I would have my leave for one week to spend time with my family, and he agreed. Habang si Hiella naman nagpaalam narin sa manager niya, kung meron man dadating ipapacancel nalang daw.
"Mas importante ang kaligayahan ng mga bata kaysa sa trabaho."
Napangiti ako ng maalala ang sinabi niya. She is going to do everything for the sake of our twin.
I really love this girl.
Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya at ayaw ng umahon pa.
"Daddy let's play!" sigaw ni Jewel mula sa kinatatayuan. She was happy, holding a water gun, and answered her with a smile.
"You don't like to play with your twin, son?" tanong ko kay Stone, tinanggal ko ang headphone niya.
"I'm sorry, may sinasabi ka Dad?" aniya at binaba sa telang nakalapag ang kanyang libro bago ako hinarap. Mahina kong pinitik ang kanyang noo at ngumiti.
"Ayaw mo bang makipaglaro sa kapatid mo?" ulit ko at nginuso si Jewel na nakangiting binabantayan ni Hiella.
"Ayoko pong maglaro Daddy, magbabasa na lang ako ng libro." sagot niya at bumalik sa pagbabasa.
Inagaw ko ang libro. "Dad!"
"Daddy akin na."
"Sabihin mo munang makikipaglaro ka sa kapatid mo bago ko ito ibibigay."
Tinakbo ko ang libro at hinabol niya ako. Sumimangot si Stone at pagsak balikat na nagsalita.
"Pero ayokong maglaro Dad."
"Kung ganon hindi ko ibibigay sayo ang libro mo."
"Dad..."
"Play with your twin bago ko ito ibigay."
"Ayoko pong maglaro."
"Okey walang libro kung ganon."
Napangisi ako ng mariin itong napapikit at napipilitang tumango.
"Oo na po makikipaglaro na."
"Hindi ba't napagkasunduan na natin ito? Na mag-eenjoy tayong apat in one week bago kayo pumasok sa school?"
Stone nods weakly and smiles a bit. "Opo..."
"And you know that we canceled our works for this right? Sasayangin mo lang ba?"pangongonsensiya ko, napamura ako sa isipan dahil nakonsensiya ako agad ng sumimangot si Stone.
Tipid lang kasi na ngumiti si Stone ganon din sa pagsasalita. Palaging nakaobserve sa paligid kahit na tutok sa pagbabasa. Mabilis matuto. He hates chocolate and pink things. Natawa ako ng maala ang paghawak ni Stone noon sa pinapaabot ni Jewel na panyo. Dalawang daliri lang ang naghawak at pati paghawak ang arte.
Hahaha halatang ayaw.
He loves reading books a lot; he likes cupcakes the same as me; he loves plain clothes; he loves black and white colors. Sa ilang weeks na kasama ko sila, dalawa lang ang alam kong nagpapasaya kay Stone.
Books and family.
Tapos ang nagpapaiyak lang sa kanya ay ang makitang may kung anong mangyari kay Jewel. Katulad noong nagkaroon siya ng bukol sa noo.
Kay Jewel naman, ang ingay hahaa kung ano ang gustong tanungin tatanungin agad, hindi matatapos ang araw ng hindi niya ito malalaman. Laging curious sa mga bagay bagay kaya nagtatanong. Akalain mo bang tinanong ako kung bakit nangingitlog ang manok? Syempre sinagot ko naman ayon sa alam ko. Tapos hindi siya satisfied kaya nagtanong pa ulit, buti nalang talaga tinawag na kami ni Hiella noon na kumain kaya naibsan ang sakit sa ulo ko.
