Chapter 30

13 1 0
                                        

Gusto kong mapaluhod sa sakit, ang katawan ko ay nauubusan na ng lakas na ipagtanggol ang sarili sa harapan nila..Ang utak ko ay hindi na gumana at ang mata ay patuloy sa paglabas ng luha..

Pakiusap tama na anak..Hindi na kaya ni Daddy..Hindi ko na kaya.."

"Ikaw po ang dahilan.."

"Tinago kami ni Mommy ng dahil sa iyo!.."

"H-hindi totoo iyan Prinsess anak..Tinago kayo ng Mommy para sa kaligtasan n-niyo..."

"Nagkakamali ka kung ganon.."paos na aniya, nilapitan ko siya para haplusin pero agad niyang pinalo ang kamay ko..

"Tinago kami dahil sayo....Ayaw ni Lola na tanggapin kami kapag wala siyang pinakitang ama! Na hindi kami babalik sa bahay nila kapag walang ama na aamin na anak niya kami..Na hindi kami tatanggapin..Ang sakit po non s-sakin, ang sakit po.."umiiyak niyang sabi habang tinuro ang puso nito..

"Jewel.."

"Hindi niyo po a-alam iyong s-sakit na hindi kami tanggap ng kakambal ko.. Hindi niyo alam iyong sakit na tinago kami dahil sa wala kaming a-ama..Tapos ngayon..."

"You know what I regret the most? That is, to believe your words..I hate you Daddy...I hate you..."

Hindi ko alam kung makakayanan ko pa bang lingunin ang anak ko sa sinabi nito..Ang sakit, ang sakit..Wala akong kwentang ama..

"Sabi ko na nga ba eh, nandito lang kayo..Wala manlang kiss kay Mo—.."

"M-mommy!!.."

"Baby...Bakit ka umiiyak?..Namiss mo ba si Mommy hmmmm?.."

"O-opo..Uwi na po tayo.."umiiyak na anas ni Jewel at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa Ina..Nawalan na ako ng pag-asa ng nagtama ang mata namin ni Hiella..Nakakunot ang noo nito, inoobserbahan..Bago siya napalingon sa tabi ko..At muling binalik ang tingin sa anak..

"Anong nangyari?.."seryosong tanong niya.. "Sagutin mo ako Jewel anong nangyari?.."iyak ang sinagot ni Jewel sa tanong ni Hiella..Napapalibutan na ng madilim ng aura si Hiella at ilang ulit pang tinanong anak..

"Your dau—.."

"Manahimik ka!.."sigaw ni Hiella sa biglang pagsabat ni Angelica sa usapan..

"Baby, anong nangyari?..Stone anong nangyari? Bakit umiiyak ang kapatid mo?..Stone.. Sagutin mo ako a-anak.."muling nahulog ang panibagong luha sa mata ko ng marinig ang pakabitak ng boses nito.."Sagutin mo si M-mommy, anong nagyari?.."

Umiling ako para sabihing huwag niyang sabihin.. Lumingon si Stone sa Ina at winika ang salitang mas ikakadurog ko..Naghalong takot at sakit ang nanalatay sa buong katawan ng makita ang pagkuyom ng kamao ni Hiella..

"U-umiwi na po tayo M-mommy..Uwi na po tayo.."

"Shhhhh..Tahan na, huwag ka ng umiyak nandito na si Mommy..Tama na sa pag-iyak anak..."

"M-mommy uwi na po t-tayo.."mas lalong lumakas ang hikbi nito..

Napaiyak ako ng tumayo si Hiella at hinarap ako..Nagtangka akong magsalita pero magkabilang sampal ang sinalubong niya sakin.. Napangiwi ako sa sakit at napapakit dahil sa pagkirot lalo ng dibdib..

"Mommy t-tama na po..."pigil ni Stone ng magtaka muli siyang sampalin ako..

"Hiella.."umiiyak kong sambit ng pangalan niya bago niya muli akong sinampal..

"Putangina ka!.."

"H-hiella..."hinawakan ko siya sa kamay pero tinulak ako nito at sinampal ulit..Napakagat ako sa labi ng malasahan ang dugo sa labi..

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon