Chapter 31

6 1 0
                                    

Wala ng mas nakakatakot pa sa nararamdaman ko ngayon..Bukod sa wala sila sa tabi ko..May banta pa sa buhay namin.

Akala ko ba tapos na?

Tumingin ako sa salamin habang iniisip kung anong kakaiba ngayon nagdaang araw..Hindi naman sa hinahanap ko si Angelica pero nakakaduda lang na hindi na iyon nagpakita..

Natakot ba sa ginawa ni Hiella? O baka nawala na ang gusto niya sakin? Ayos kung ganon atleast mababawasan ang problema ko..

Hinawakan ko ang telepono sa lapag ng tumunog ito.."Tita?.."agad kong sabi at tinapat sa tenga ang telepono..

"Cedric may balita naba? Ano ba kasing ginawa mo?! Gago lang.."

Pagot kong tinusok ang pagkain sa plato.."Sino ko na kasi na hindi kami naghalikan ng Angelica na iyon, ayaw nilang makinig.."anas ko,

"Sinong Angelica na naman ba kasi iyan?!.."

Naibaba ko ang kutsara..Akala ko ba alam niya?.."Iyong kasama ko sa party Tita, iyong kasabay ko.."

"Ah..Iyon.."

Napatango ako..Oo iyon nga..

"Ay ang mapulang iyon?! Ipagpapalit mo ang anak ko doon?! Langya ah, ang baba ng taste natin ah.."

"Tita! Hindi ko ipagpapalit si Hiella, mahal ko iyon..Buhay ko iyon.."

"Ay aba dapat lang! May kambal kana sa anak ko kaya hindi ka na dapat tumitingin sa ibang babae!....Pwede lang din, ako nga eh minsan timititig din ako ng lalaki hehehe.."

"Tita!.."

"Oo nga.. Seryoso ako, hindi naman seloso iyong Tito mo, iyong Tito mo ang seloso noong kami pa hahahah...."

Inikot ko ang mata..Marinig ka sana ni future Daddy!..

"Kaso lang kasi duwag..Kami pa sana hanggang ngayon kung hindi siya naging duwag noon..Kaya iyon sumablay, natabingi ang relasyon namin..Alangan naman kakapit pa akong mag-isa? Huwag na uyyy masakit.."aniya, umangat ang gilid ng labi ko ng marinig ang pagbasag ng kung ano sa kabila at ang mababang boses na sambit ni Tita ng Hubby..

Lagot ka ngayon Tita..

"Anong sabi mo kanina Dainne? Anong sabi mo?.."rinig kong mariin na tanong ni Tito, sinubo ko ang pagkain..Nakakagana naman ang away na ito..

"Hubby makinig ka muna.."

"Huwag mo akong tawaging Hubby! Lintik na sabihin mo kung Mahal po ba siya hanggang ngayon ng tapusin na natin ito!.."

Napangiwi ako at nalunok ang bigla ang pagkain ng marinig ang sigaw na iyon.. Agad kong tinungga ang tubig at nagpakawala ng buntong hininga..

Patay tayo diyan! Lagot ka Tita!

"Ano! Sumagot ka! Gusto mo pa siya?! Ano nga Dainne?!.."

"Wife Hubby, wife hindi Dainne.."halos gusto kong matawa dahil sa malambot na boses na iyon ni Tita..

Anong sabi mo kanina Tita? Ah tumitingin kadin sa lalaki? Hahahha..

"Sagutin mo ako!..Mahal mo pa?! Magdivorce na tayo at pakasalan mo na siya! Tutal single pa ang lalaki mo at halata namang hinihintay ka! Kaya sige bumalik kana sa kanya!.."

"Hubby...Makinig naman sakin.."

"Sinasaktan mo na naman ako!..Kasi alam mong alipin ako ng pagmamahal mo!.."

Hahaha sana all alipin!

Nagsubo ulit ako ng kanin at hindi parin inalis sa tenga ang telepono...Ang ganda kaya ng away..

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon