Chapter 22

31 1 0
                                        

Nanghina ako ng makita ko ang luha sa pisngi ng anak, pakiramdam ko ako talaga ang may kasalanan noon at pilit na pinapaala naman sakin ni Hiella na wala akong kasalanan sa nangyari.

It was my first time to see my twin like that, the tears in Stone eye because he was worried. The pain in it while looking at his sister's face that makes me more guilty. Akala ko isang beses ko lang makikitang umiyak ang lalaki kong anak, iyon ay ang araw na nagkita kami pero nagkamali ako. Mas grabe pala siyang umiyak kapag nakitang may nangyari sa kapatid.

Kagaya ko din pala siya. Hindi siya makatingin sa kapatid dahil ayaw niyang makita na may pasa o ano sa katawan. Kasi nasasaktan siya doon.

At hindi ko iyon matanggap.

I face Hiella when she caresses my hand.

"Okey na. Kinausap ko na kanina si Stone na huwag iwasan ang kapatid. Naglalaro na sila sa kwarto ni Stone. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo." she said, and assured me with a smile.

"It was my fault."

"Stop it, nawawala na iyong bukol ni Jewel sinisisi mo parin sarili mo. Bakit hindi mo nalang siya kausapin?"

Tinitigan ko ang mukha ni Hiella at pinisil ang kamay nito.

"Nahihiya parin ako." bulong ko yumuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri niya. I heard her chuckle.

"Go and talk to her; shes worried too. She thinks that you are avoiding her since the incident happened." She said and caressed my hand. I took a deep breath. "Late na ako uuwi mamaya, I'm going to attend a party. "

I quickly look up and wonder what party that is.

"Where? With whom?" I ask and raise my brow.

"With my manager. She didn't mention it to me, pero sabi big time daw." she answered casually.

My eyebrows puckered. "Lalaki?"

"Ay aba! Anong malay ko?"

"Dapat tinanong mo. Dadalo ka na hindi mo alam sino ang pupuntahan mo."

She shrug. "Hindi naman siguro ako ipapahamak ng manager ko."

Hinarap ako nito nginitian. "Kaya dapat magkaayos na kayo ng anak mo kasi aalis na ako mamaya."

"Huwag ka na kasing umalis."

"Kailangan."

I pouted and looked away. Ngayon din pala iyong party ni Tita at hindi ko pa alam kung pupunta ba ako o hindi.

Huwag nalang kaya?





Pagkalipas ng ilang oras umalis na si Hiella kaya kami nalang ng mga bata ang naiwan sa bahay. Napasalmapak ako sa sofa, habang nakatingin sa tv, hindi naman mapako roon ang atensiyon ko.

"Dad? Can we talk?" I heard my little princess say, and I sighed and looked at her. Katabi nito si Stone na nginitian ako bago naupo sa tabi ko. She awkwardly beams and sits beside me too. Pinagitnaan nila akong dalawa.

"Dad, iniiwasan mo ba ako?"

"No princess, daddy is just guilty. "

"Pero that was my fault naman e, ako naman po iyong nakipaglaro at hindi nakaiwas sa bola. Kaya bakit niyo sinisisi sarili niyo?"

I smile and carry her, para mapaupo ito sa kandungan ko.Malungkot akong nagbuntong hininga ng makita ang mukha niya. Hinaplos ko ito sa pisngi.

"Kasi pinayagan kita kung hindi ka pinayagan ni Daddy sana hindi iyon nangyari."

Humagikhik si Jewel "Daddy, kung hindi kita pinilit hindi mo ako papayagan so its my fault."

"Kahit pa. Kasalanan ko parin."

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon