Chapter 5

37 1 0
                                        

"Answer me, Mommy. Bakit po ako nakatingin sa sarili ko?"

“Mom, answer me po, bakit ko siya kamukha?"

“Stone anak, bakit gising ka pa?” pinaghalong kaba at nginig sa tinig ni Hiella.

“Hindi naman po ako natulog, you’re changing the topic. Who is he? Bakit magkamukha kami? Bakit siya nakaluhod? Bakit hindi mo ako masagot, Mommy ko?"

I clear my throat and use my remaining strength to stand and look at him.

Lumuluha ko siyang nilapitan.

”Who are you?"

Kung sasabihin ko bang ako ang Daddy mo paniniwalaan mo ba ako, Stone?

“Mom...Is h-he..." putol putol na aniya sabay lingon sa Mommy at binalik sakin.

"Are you my, Dad?" my son beamed a weak smile. ”You’re my Dad.” he whisper in a soft and trembling voice.

I'm sorry.

Nanginginig kong nilahad ang kamay at napahagulgol ng bigla niya akong niyakap.

“W-why? B-bakit ang tagal niyong nawala? B-bakit ngayon lang kayo nagpakita? B-bakit ngayon lang po?”

I let my tears roll down my cheeks while hugging him.

"Jewel sometimes asks Mom. Where are you? If you're still alive, when will you return? Pero kailan man walang sinagot si Mommy. I know she's hiding the truth because she always avoids topics, which include you."

I'm so sorry anak. Natagalan si Daddy.

Sinulyapan ko si Hiella, umiiyak ito habang nakahawak sa sofang malapit bilang suporta. Hindi na ako magtataka kung nilihim niya, pero ngayon mas lalo akong nagalit sa sarili ko. Ni kailan man hindi niya sinabi sakin, kahit na madami siyang pagkakataon na sabihin iyon hindi niya ginawa para sa mga bata. Dahil isa akong walang kwentang ama!

I caress my son’s head. “Im sorry, sorry anak. Nandito na si Daddy. Hindi na ako aalis. Hindi ko na kayo iiwan. Sorry for those years living without a father by your side. I'm sorry for hurting you, I'm sorry anak. P-patawarin mo sana si Daddy.”

Mas lalo nitong hinigpitan ang kapit sakin na mas lalong pang nagpadurog sakin.

”Galit po ako sa inyo pero ni kailanman hindi ko hindi ko inisip na huwag na kayong tanggapin. Thank you for coming back, Dad. Thank you.”

“Tito Cedric! Ano ba Stone bakit ka nakahug kay Tito!.” humahangos si Jewel na nagtungo samin, tinulak pa nito ang kapatid.

My princess.

“Hindi ko naman siya kukunin sayo.”

Umirap la si Jewel at hinarap ako. “Tito! May dala kayong icecream ko?!”

“Icecream na naman ang takaw.”

“Mommy o si Stone! Inaaway ako.”

Pagak akong natawa at hinanap kung saan ko na nalagay ang pasalubong. Agad ko itong pinulot ng makita itong nasa sahig, nabitawan ko pala.

“Diba sabi ko sayo na Kuya ang itawag mo sa kapatid mo Jewel?" pinanlakihan ni Hiella ng mata ang anak.

Lumabi ang bata.

“Mom minutes gap lang naman kami.” bulong nito, mahina akong natawa ng makita ang itsura ng ina, pikon na.

“Jewel Maira.” may pagbabanta sa tinig ni Hiella.

“Sorry na po, opo Kuya na itatawag ko Mommy. Sorry.” lumambot ang mukha ni Hiella habang nakatingin sa anak.

"You can go now." Hiella whispered while looking at me blankly.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon