Simula ng makita ko ang iyong mga Mata
Minahal na kita agad ng sobra
Tila puso ay tumatalon Sa galak
At sayong mga kamay ay napahawak
Noong mga panahon na iyon
Atensyon ko ay sa inyo pa lang nakatuon
Ngunit hindi habang buhay na ikaw ang mamahalin
Dahil nakatagpo rin ako ng taong iibigin
Kayang tumbasan ang pagmamahal mo
Aalagaan at pangingitiin ako ng todo
Alam kong nalungkot ka na may halong tuwa
Na ako'y mapupunta na sa iba
Subalit may isang bagay na hindi magbabago
Ikaw ang aking unang pag-ibig ama ko
----------------------