----------
Narito ulit ako naglalakad
Inaasam kamay niya ay muling ilalahad
Sa pagkakataong walang sasalo
Ngunit sa pagbalik waring ako ay nabigo
Paulit ulit dito ako'y nabalik
Upang makita ka o makaramdam ng tapik
Subalit parang nyebe biglang nawala
Hindi na ulit nakita pa
Nandito na naman sa ating pinagtagpuan
Ninanamnam ang kalungkutan
Humihiling na sana'y mabilis na pagkawala
Ay parang pagdating mo na susulpot bigla
Kay lamig na nga sa ating tagpuan
Lalong nadagdagan ng ikaw ay lumisan
Noong mga panahong ika'y nandito
Hindi pinahalagahan ang presensya mo
**********