----------
Habang nakaupo sa aming tahanan
Bigla kong naisip mga taong dapat tulungan
Aking naalala mga pipi at bingi
May pagkukulang at wari'y di kasapi
Madalas apihin sa lipunan
Kulang daw ang abilidad bilang mamamayan
Ngunit hindi ba nila napagtatanto
Sila'y may damdamin at panibugho
Meron mang problema sa pisikal
Hindi dapat natin sinasakal
Marapat na sila ay ating tularan
Nakakayang mamuhay walang mapagsidlan
Ng hinaing sa kanyang kapaligiran
Patuloy na natatakot sa komento ng iba
At talento ay di naipapakita
Kay hirap ng buhay na walang masabi
At di makarinig boses ng iyong katabi
Kanilang pagsilay sa mundo ay di perpekto
Minsan naiisipan nilang sumuko
Kaya huwag silang maliitin
Datapwat hangaan at mahalin
----------