Paano Ba? (part 3)

72 11 4
                                    

----------

Tuluyan nang kumawala ang mga hinaing

Aking sinambit gusto ka sa aking piling

Nalulumbay na damdamin ay iyong dinggin

Pighati sa puso ay iyong salangin

Bagamat tayo ay sigurado na

May mga pangyayaring nagiiba

Tulad ng desisyon ng ating pamilya

Kumakamkam ulit sa samahang nawala

Muling nanumbalik ang nakaraan

Bumalik ito sa kasalukuyan

Pwede na siguro ang ating samahan

Wala nang hadlang kahit sino man

Lahat pala ito'y isang panaginip

Tila luha saking mata ay sumisilip

Malamig na pakikitungo ay umihip

Iyong mga mata waring di ako mahagip

Saka ko lang napagtanto at nalaman

Kusang umagos sa isip ang katotohanan

Dahilan bakit ka nagkaganyan

Pigil ang mga magulang sa pag-iibigan

Ngunit sa mga ganitong panahon

Alam kong dito dapat tumatag ang relasyon

Huwag tayo sumuko sa malaking hamon

Iyo sanang pansinin ang aking tugon

*

Lahat nga nang bagay ay may wakas

Pagkakasundo ay naging matalas

Pagmamahal na walang kupas

Simbahan din talaga ang landas

----------

Sa wakas! Finished na ang Paano ba? From 1 to 3. Next ud ay ang 2nd part ng Collecting Haiku. Enjoy reading!

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon