Bakit Ikaw Pa!

252 16 10
                                    

Nais kong malaman kung Bakit ikaw

Sa dami ng tao Ikaw ang nangingibabaw

Tanging mga Mata mo ang gustong titigan

Oh! Bakit Ikaw pa ang aking nagustuhan

Ngayon isip ay ginugulo

Ng bagong lalaking dumating sa buhay ko

Ngunit hindi naman siya ang aking mahal

Ayokong pagiging makasarili ang aking pinaiiral

Sana ako'y bigyan mo ng pansin

Kung ayaw mo matututunan mo din akong mahalin

Pero alam ko namang hanggang panaginip lang iyon

Kahit anong hiling sa bituin hindi nito tinutugon

Sana iba na lang ang aking minahal

Para hindi ako umaasa ng ganito katagal

------------------------------

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon