__________
Nagsimula ang lahat ng dahil sa kaibigan ko
Noong bago ka dumating siya ang ginugusto
Subalit ihip ng hangin biglang nag-iba
Hindi inaasahang masaya kang kasama
.
Mga biruan, kulitan at tawanan
Hirap na iwanan sa nakaraan
Lalong-lalo na nang marinig ang "Mahal kita."
Pabiro man na sinambit ako pa din ay umasa
.
Bugso ng damdamin akin nang siniwalat
Pagkabigo ang naramdaman sa puso kong may alat
Itong nararamdaman 'di kayang suklian
Pagkat siya pala ay mayroon nang kasintahan
.
Ako'y nagtaka, nagtanong, nalungkot
Umiwas sa kanya at sa kaibigan ang mundo'y pinaikot
Labis pa ang konsensya na nadama niya
Siya daw ang dahilan bakit ako'y nasasaktan na
.
Sa mga panahong puso ay nalulumbay
Naging sandigan ko siya at gabay
Muling nanumbalik ang natulog na damdamin
Sa huli siya rin talaga ang mamahalin
.
Sa takot na makaramdam ulit ng sakit
Itinago na lang ang sa puso'y nakaukit
Ngunit siya pala ay may pagsinta na
Nilihim lang noon, wala daw kasing pag-asa
__________
Not based on true to life story. Just a result of my imagination in times of isolation in a certain application to have an explanation of a mind without abduction. Hahahaha sana magets niyo yung thought nitong note tsaka nung poem. Enjoy reading!