---------------
Sa iyong paglisan di ko maasam
Patuloy sa isip ang agam-agam
Kay hirap sa damdamin ang iyong paglaho
Di mapigilang magmuni sa litrato
Tuloy-tuloy ang paglakad sa dinaanan
At babalik sa simula habang pinagmamasdan
Tila nagigipit itong damdamin
Nagsusumamo sa iyong pagtingin
Nananatili akong hindi Malaya
Hinahanap hanap ka sinisinta
Marahil sa puso ko Ikaw ang nanatili
Kaya hirap makawala itong binibini
Sana'y makaalis sa pagkakagapos
Na tumatatak sakin ng lubos
---------------
Inspired po ito dun sa isang poem na ginawa ni janjan213 may poem siya na related dito hahaha pero inisip ko pa rin yan ang deep nga eh! Anyway thanks for reading this! Saranghae! <3