Pagsubok

439 21 16
                                    


Puso'y nalulumbay

Sarili di alam kung saan ilalagay

Pamimintas ng iba hindi na makaya

Sinisira unti-unti ang pagmamahal ko sa kapwa

Tinitingnan ngayon ang mundo ko

Puno ng hinanakit at panlalait niyo

Hindi matanaw kung saan nagkamali

Kaya ako'y naaapi at nasasawi

Siyang ikinagulat ko ng may pumawi ng hinagpis

At nagpahayag ng intensyong malinis

Naglahad ng tulong itong ginoo

At minahal ko siya ng totoo

Naging sandalan tuwing may problema

Subalit ako'y iiwan rin pala

Lahat ng ito ay isa lamang pagsubok

Tila ako ay inuudyok

Ngunit hindi napatalo sa hamon ng buhay

At nahanap din ang kaligayahan kong tunay

---------------------------

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon