Natatanging Pagsinta

93 10 8
                                    


----------

Mula musmos pa lang akin ng natanaw
Purong kasiyahan ninyo lumitaw
Ngunit panahon nga'y sadyang mabilis
Sa puso't diwa ako ay lumihis

Subalit hindi kinaya ng busilak na damdamin
Ako lamang ay nasilaw sa pangkayamanang gawain
Nawa'y mapatawad itong umiibig ng lubos
Pangako sa inyo pagkakasala'y matutubos

Rosas ng aking buhay, aking pinagmulan
Huwag sanang mawaglit sa inyong isipan
Sa puso't isip may natatanging pag-irog
Nakalathala para sa inyo na ako'y hinubog

----------

Dahil tapos na ang madugong kabanata ng buhay eskwela ko, nagbabalik na ko dito! XD sa mga naghihintay ng ud pasensya na. To be updated din ang JTAO at Someday. Pero hindi pa sure yung sa Someday. Thanks for reading.

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon