Collecting Haiku

108 11 12
                                    

----------

Sikat ng araw

Sa akin ay sumilaw

Di ka natanaw

----------

Rosas ng buhay

Pag-ibig iaalay

Huwag lang mawalay

----------

Paraiso ko

Bakit nilamukos mo

Iniwang bigo

----------

Islang Mag-isa

Laging walang kasama

Sa bawat saya

----------

Karagatang malalim

Sisiring dilim

Puso'y kinimkim

----------

Malagong puno

Di ka tutubo

Hanggat wala ang buto

----------

Ang ibong kalapati

Simbolo ng pighati

Layang binawi

----------

Kwebang kinubli

Lagim hindi mapawi

Ng pusong sawi

----------

Waring bulaklak

Kanyang puso'y busilak

Ngunit may balak

----------

Patak ng ulan

Nagpalabo sa daan

Di nasilayan

----------

May part 2 itong haikus. Etong first batch consists of 10 haikus ganun din sa next ud ko. Yung ud sa Someday official na talagang hindi matutuloy writer's block kasi pasensya na. Thank you for reading this.

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon