Pananakot

141 14 7
                                    


----------

Madalas gawin ng mga ama at ina

Upang sundin ang ihahabilin o ipapagawa

Kadalasan baon natin ang apektado

Kakaltasan ng bente-singko

Ikaw naman na anak gagawin ang utos

Upang allowance hindi mapatos

O kaya'y hindi paglinisin ng banyo

Subalit maghuhugas naman ng kaldero

Kapag hindi nagconcentrate sa assignment

Papatayin ang TV at Cp as a punishment

Tatakutin kang magagalit si itay

Pagdating ni tatay kampihan pa ang gabay

Habang si nanay mainit ang ulo

Nagiisip na yan ng parusa sayo

Kapag bumili si tatay sa tindahan

Tsaka yan magsasalita at ika'y hahatulan

Matulog ng maaga kung gusto mong may almusal pa

O kung gusto mong uniporme ay maplantsa

Ngunit kahit ganyan sila minsan nananakot

Ayaw lang nilang kinabukasan ay malukot

Ginagabayan lang tayo sa tamang landas

Mahihigpit na salita ay Gamit Ngunit hindi dahas

----------

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon