----------
Ngayon aking tinatanggap
Ang iyong pagbalik ay mailap
Akin ng natutunan
Aral mula sa nakaraan
Sa panahong ako ay nasawi
At sa aking pagkakamali
Ikaw ang nandyan patuloy sa pag gabay
Pagmamahal sa akin ay nananalaytay
Kahit wala sa aking tabihan
Hindi magbabago ating pagmamahalan
Walang titinag kahit na sino
Alam niya na hindi ako susuko
Ako man ay minsan ng namali
Doon ko lang nalaman ang pinili
Ikaw pala ay hindi ko kinamuhian
Labis lang ang lungkot na naramdaman
Akala kasi nitong binata
Nawala si Papa at ikaw ang may sala
Kaya pighati sa iyo bumuhos
Sa puso't kaluluwa mo tumagos
Ngayong pati ikaw ay kinuha na
Nalaman kong pagmamahal ay di nawala
Kaya ako'y mapayapa na ang isip
Habang sa iyong larawan ay nakasilip
----------