----------
Noong simula kaibigan ang tingin
Natutuwa akong kausap at kakulitan ka
Ngunit 'di kalaunan nag-iba ang damdamin
Nilayuan ka subalit hindi ko kaya
•
Inggit ba itong aking nadarama
Iniisip kong mabuti ito'y selos pala
Iniwasan ulit kita para ito'y mapigil pa
Iba ka sa iba hindi na naman nagawa
•
Kay hirap itago itong pagsinta
Kailan ko kaya sa'yo masasabi
Kung bawat araw na ika'y kasama
Kahit kailan isip mo'y wala sa'king tabi
•
Ang oras nga ba siyang magdidikta
Andito ka nga pero minamahal ay iba
Alin ba ang nararapat na pasya
Aasa pa ba ako o susuko na?
----------
Medyo may pagkakahawig ito sa isa ko pang poem na "Kaibigan" pero may differences naman.