Nilinlang

97 10 7
                                    


----------

Ilang araw na tinatanong ang sarili

Bakit hindi ummunlad itong tinatangi

Dahil ba sa kakulangan ng edukasyon?

Oh sa gobyernong ngayon ay may polusyon?

.

Wala na yatang kamalayan ang bawat mamamayan

Unti-unti lumulubog tayo ng dahan-dahan

Pagkakaisa ng isa't-isa ito nga ba'y natuluyan

Kasi bawat pagkakamali 'di nabibigyan ng kasagutan

.

Mga may pakialam natutulad na sa agila

Sila'y mahalaga ngunit ito pa ang nawawala

Nauubos na ang konsensya sa ating utak

Dahil sa kayamanan ito ay nawawasak

.

Iisang bansa, iisang lahi

Subalit magkakaiba ng minimithi

Sapat ba itong dahilan na ang tinatangi

Ay madungisan ng may maitim na budhi?

.

Kay daming taong napapariwara dahil sa maling gawa

Pero bakit? Bakit kayong mga nakapalibot walang ginagawa!

Tila inyong mga mata ay nabubulag

Oh nagbubulag-bulagan sa paligid na nabuwag

.

Sistemang Kupas laganap pa rin

Istilo ng panlalamang maaari bang ibahin

Hindi iyong nalalaman na nga namin 

Saalitang bulaklak na naman ang sasambitin

.

Tayong mga Pilipino

Sabayan ang pagpapanggap dito

Hindi ka pa rin ba nababahala?

Masasamang gawain sa bansa ay lumalala

.

Sino nga ba ang tunay na nalamangan?

Tayo bang mga mamamayan

Oh baka naman silang kataas-taasan

Meron nga bang tamang kasagutan?

.

Sa magkakaibang aspeto

Lahat tayo nalalamangan dito

Lahat tayo ay nalinlang

Lahat tayo'y kailangan gumalang

.

Respeto sa isa't-isa ay naglalaho na

Kaya nagagawa nang manlamang ng kapwa

Kung lahat lang tayo ay may bukas na puso't diwa

Maunlad na sana itong ating bansa

__________

Sabi ko Friday ang ud pero medyo nalate haha. Hope you enjoy reading. Wala po akong pinapatamaan dito.







MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon