Tagged by:
Sentouki
Theme: Malandi
Title: May Dahilan
----------
Noong bata pa lamang tingkad na ang ganda
Natural nang may matang nakatingala
Sa kanyang pagdalaga kay raming nahumaling talaga
Kilalang may talento at sa tamang landas mapupunta
•
Ngunit kakaiba maglaro ang kapalaran
Kanyang kinalagyan ngayon 'di niya makayanan
Pawang basang sisiw na naliligaw
Sa landas ng buhay walang maaninag na ilaw
•
Natagpuan ang sariling sumasayaw sa entablado
Halos labas na ang lahat sa kaniyang pagkatao
Sa harapa'y mga handang magbayad na tao
Pera'y sa kanya iaabot upang perlas maangkin nito
•
Kung minsan may darating na isang binibini
Sinasaad sa kanyang mukha'y "maitim iyong budhi!"
Wala siyang karapatang tumugon dito
Ginagawa lamang ito para sa trabaho
•
Iba-iba tayo nang paraan sa ikabubuhay
Mukha mang 'di kaaya-aya ay dapat na masanay
Pang-huhusga talaga ng iba hindi mawawalay
Pero dapat itama ang anumang maling bagay
•
Lahat ng bagay at tao may dahilan
Bago maging mapang-mata iyong pag-isipan
Taliwas man sa iba ang kanyang gampanin
Subalit ito lang ang paraan, atin sanang intindihin
----------
Shoutouts nga pala sa nagtag sakin. Sa naunang ud ko, doon sa mga nakatag pm niyo na lang kung ano theme niyo. Hindi na ko magtatag dito. Hope you enjoy!