Tagged by: misuMei
Theme: Lapida
Title: Paglipas
----------
Inuungkat muli ang nakaraan
Mga panahong ika'y aking nasisilayan
At mga pagsubok na pinagdaanan
Nagdadamayan na nilampasanWalang pangamba kahit di nakalingon
Ika'y nandiyan lamang at handang tumugon
Iyong pangangaral aking binaon
Sa puso't isip ito'y bumaonHindi malimutan ating ala-ala
Sa bawat pagluha ng aking mga mata
Ikaw ay pawang bayani na nagpapakita
Dadamay sakin at patatawanin paPaglipas ng panahon ay kay bilis
Tayo'y nagkaroon ng awayang labis
Sinubukang pumanhik subalit lumihis
Namamagitan ay agad naalisAking nabalitaan iyong dinanas
Nabasa iyong sulat kulungkutan ay wagas
Hindi na kinaya ang lupit ng dahas
Kaya't desisyon ay tumalasNarito na ako't pinagmamasdan
Habang payapang nakalatag sa himlayan
At ika'y pinagpahinga na ng tuluyan
Tanging lapida mo na lang aking tinitingnan-----------------
Ang Tagal na ng challenge na ito ngayon ko lang nagawa. Pasensya na.