Hinanakit

34 8 3
                                    

~~~~~

Paano kung hindi ka na masaya?
Paano kung ika'y nawawala na?
Ang ibang tao ba'y may magagawa,
Kung ang dapat humanap sa'yong sarili ay ikaw lang mag-isa?

Bawat paghinga, habang tumatagal
May naaaninag mang pag-asa, patuloy na nasasakal
Kung minsan ay nais na lamang tumakas
Maglaho ng parang bula, mawala sa landas

Madalas sumagi sa isipan
Lagi na lang bang ipinagkakaitan?
Paligid ay nababalot lagi ng saya,
Animo'y lahat ay walang problema

Nais ng madilim na kaluluwa ng pahinga
Sapat na ang tahimik na lugar at mapayapa
Sa kaguluhan ng may panibughong isip
Hinihiling sa bituin, hangin sana'y iba ang ihip

Sadyang nakakahanga ang mga taong 'di kailangan ng iba,
Upang sumaya, nagmumula ito sa sarili nila
Kaligayahan nati naman ay tayo rin ang nagbibigay
Ngunit tayo rin ang nagaalis nito at nagwawalay

~~~~~

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon