#postTulaChallenge

83 13 4
                                    

Tagged by: Sentouki

Theme: Kalendaryo

Title: Sapat ba?

----------

Mga panahong ika'y kasama

Mga ala-ala nating masaya

Kulang pa ba o sapat na?

Kay hirap sagutin gayong ako'y nagdurusa

°

Sakali mang ika'y makadapuang palad

Buong puso akong maghahangad

Na oras muna ay pabagalin

O 'di kaya paglipas ng araw pahintuin

°

Nais sanang balikan ang pangyayari

Iyong sinabi na ika'y nariyan lagi

Kailan ma'y 'di lilisan saking tabi

Iyong pangako na pag-ibig ay magwawagi

°

Hindi man sadya nang ika'y maglaho

Ngunit nasaktan ang binibining ito

Habang nagmamasid sa iyong larawan

Hangad ko'y tunay upang muling mahagkan

°

Nakatanaw sa kalendaryo

Kay tagal na pala nang ako'y mabigo

Maiiwasan ko bang na hindi makuntento

Kung ikaw na aking mahal nawala sa piling ko?

----------

Hoy sa nagtag sakin. Pasensya kung ngayon lang at ang ikli pa hahaha paglamayan na.

Tagging:

love_by_God

Akatsuki_Haru

TheWickedDreamer

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon