Sana....

211 14 13
                                    

Sana noong mga panahong andyan ka

Pinahalagahan ko ang iyong presensya

Pinahayag ko sa iyo ang aking adhikain

At ang pag-ibig na sa puso ko nakadiin

Hindi kita dapat binalewala

Ngayon ako'y nagsisisi dahil ikaw ay nawala

Wala akong intensyong iparamdam sayo

Na hindi ka parte ng buhay ko

Ayoko lang na iyong malaman

Araw ko'y nabubuo kapag ika'y nandyan

Sana noong may tyansa pa

Sinabi ko sayong mahal kita

Ngunit ako ay nahuli ng dating

Ngayon aking mukha wala ng ningning

Sapagkat wala na ang aking iniirog

Na sa pagkatao ko'y humuhubog

------------------------------

MaDEMing TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon